Saturday, May 9, 2009

gat tag gat

Hello world! Hello phillipines!
Tutal, weekend naman….at pahinga days ko. Iiwan ko sa inyo itong tag na galing kay mareng jen (hirap akong ispelingan pangalan mo mare..actually..heheh). bahala na kayo kung babasahin nyo o hindi...pero kung mahaba naman oras mo, eh sige na basahin mo na...hehehe..sya sya sya….

ten things you wish you could say to 10 different people right now
(don't tell us who it is)
1. " God is good, all the time"
2. “mind your own business”
3. "goodluck"
4. "Minahal mo ba ako?”
5. “magbayad ka ng utang!"
6. "duh! We’re just friends"
7. "it’s alright..no problem"
8.”na naman..ako na lang parati, ako ako ako”
9. “where is my honey pie sugar pie?”
10. “kain tayo”

nine things about yourself:
1. Suplada (hhmmppp)
2. mataray (eh, ano ngayon!?)
3. maingay
4. Tahimik (sympre di naman pwede lagging maingay eh noh)
7.matakaw (habang may pera, kumain ng kumain..)
8.kuripot (global crisis noh)
9. maarte

eight ways to win your heart:
1. Dalhan ako ng paborito kong cake
2. ipagluto ng breakfast
3. talk to me during late nights
4.talk to me during mornings
5. talk to me during afternoon
6. Sabayan mo ako sa pag wowork out
7. linisin ang buong bahay namin
8. Maging thoughtful sa aking magulang…

seven things you want to happen to you before you die:
1. Magka baby….
2. Magka pamilya
3. mabigyan ng bahay at negosyo ang aking pamilya
4 Makabili ng mini coaster…para may service ang mga angkan ko kapag naglalakwatsa

5. malibot lahat ng isla sa pinas kasama ang mommy ko!
6. Makapagpa-aral ng mga bata
7. .makapag volunteer sa ngo

wer na is 6? :D hinahanap ko rin, actually

five turn offs:
1. smoker
2. lasenggo
3. sugarol
4. tahimik
5. marumi

four turn ons:
1. smile
2. Kalog
3. malinis
4. muscles

three smileys that describe your life:
1. :D so blessed I cant contain it, so much I got to give it away
2. :-) life is beautiful
3. :-x less talk, less mistake

two things you wish you never did:
1. Ang balewalahin sya
2. At balewalahin ang sarili ko…duh!?

one confession:
hayyyy..confession…ayaw ko nga baka isumbong nyo pa ako sa daddy ko..hehehhe…

at..ipapasa ko naman it okay…mareng azel, tita eds, stacey



*************************************************************************************

Susunod….haba haba ito, I know. Pero konti na lang, matatapos kana…o sya, pagpatuloy

Mga saksayan sa buhay mo

Jeep-“ma, para po”. Natutuwa ako kapag sumasakay ako ng jeep. Minsan pa nga nagkakasala ako sa pagtingin tingin sa ibat’t ibang mukha sa loob ng jeep. Usually kasi tuwing gabi pauwi sa bahay ko sinasakyan yan eh. Wala ng init, at dina rin halata ang pollution. Madalas na makakasabay mo yung mga galing sa trabaho..malamang kilala na ako ng mga driver at caller dun, kasi lagi at araw araw dun lang me sumasakay

Bus
- I hate buses! Minsan na akong naligaw ng first time kong sumakay ng bus sa metro city. Tsaka ayaw ko yung nakikipagsiksakan sa bus, at yung nakatayo dahil puno na at wala ng maupuan. Tsaka ayaw ko ang amoy ng bus, nahihilo ako.

Bike na de padyak– natumba-tumba muna ako bago ako natutong magbike. Nung bata ako, tinatakas ko pa ito para lang mag-aral kung paano sumampa at pumadyak…heheh

Bike na de motor- tuwing weekend, tuwing umuuwi ako ng probinsya, kasali sa iterinary ko ang sakyan ito. Lalo na kapag gabi, malamig ang simoy ng hanging kapag itinodo to the highest level ang pag arangkada dito. matagal na rin serbisyu nito sa akin, sa amin ng kaibigan ko. Actually, kapag nakaipon ako bibili ako ng isa pa…yung mas malaki,.,.heheheh

Airplane
– first time kong mag Philippine airlines nung nakakuha ako ng free travel sa hongkong galing sa kumpanyang aking pinaglilingkuran. Sympre, exciting ang drama kahit na medyo kabado. At sana marami pa akong travel na gagawin….

Taxi- ahhh…I can’t live without taxi. Every morning yan ang aking sinasakyan papuntang opisina. At yan din ang aking sinasakyan tuwing makikipagkita ako sa mga kaibigan. May mga numbers pa ako ng mga operator, para kapag tinatamad akong lumabas para mag-abang ng taxi, mega call ako….

Kotse ni papang – noong college ako, hatid sundo ako sa kotse ni papang. Nung magtrabaho ako, minsan sumasabay pa ako sa kanya, lalo na kapag wala me pera pang taxi,,nyahahahaha. Pero minsan may nagcomment sa akin…..”kailan namin kaya makikitang ibang lalaki naman ang magsundo at hatid sa iyo at hindi ang papang mo”,,hihihi

Company Service- iba iba kasi eh, kaya no particular car. Iba iba, kaya iba iba rin ang amoy..heheheh. Sinasakyan kapag bumibista sa ibang opisina

Kung umabot ka hanggang dito, ehhh salamay sa pagtyatyaga mo..mabuhay ka!

at..ipapasa ko naman ito,,parehas pa rin kay… mareng azel, tita eds, stacey

4 comments:

A-Z-3-L said...

waaaaaaaa daming tagggggg :( sige asikasuhin ko pagtapos ng halalan... tsaka mare.. work strike ako ngayon.. wala sa opis... hehehehe!

hamo't papatulan ko yan!

eds said...

ang haba nman nito jen .. lumawit ng bonggang bongga ang dila ko kababasa.. di bale mamaya-maya ko gagwin to ha. at my back is hurting pa:((.. may osteo na yata ang lola mo hehehe

The Pope said...

Wow super haba naman ng tags na ito, and you reminded me of my back logs, huhuhuhu. I got to work extra hours sa pc to finish all my pending tags na kailangan kong sagutin.

Happy Mother's Day to your mom.

Unknown said...

Hi maraming thanks! Simba muna ko then mag tatag narin mamayang hapon hopefully!

Thanks! Ingat lagi sis take care!!!

 
Template by Exotic Mommie