kailan ba ako na stranded sa baha at traffic...
una - noong ginagawa ang nlex. pauwi ako ng probinsya noon. from north edsa hanggang balintawak, 5 hours ang byahe. kung makikipagkarera ang pagong sa bus na sinasakyan ko, pupusta ako mauuna pa syang makakarating sa finish line. ang tindi ng traffic, bumaha sa expressway dahil noong panahon na iyon eh under rennovation ito. so i decided na bumalik sa opisina at doon na lang matulog.
pangalawa - hindi ako taga manila, hindi ako nag-aral sa ust, feu o ue, pero naranasan ko ng maglakad mula ust hanggang rotonda na ang baha eh lagpas sa tuhod. takot na takot at nanginginig ako noon. it was my first time, tsaka hindi ako sanay sa lugar.
pangatlo - eto, si bagyong ondoy.noong una hindi ako makapaniwala kapag kinukwento ng mga kaopisina ko na lagpas tao daw ang tubig sa ibang lansangan. napaka exagge naman ng kwento sambit ko sa kanila. pero, magmula opisina, kitang kita namin ang not moving na mga sasakyan sa daan. bus, truck, kotse... lahat walang magawa kundi maghintay na magsubside ang tubig baha. dahil tapat lang ng opisina ang mall, we decided na magpalipas oras doon. pagdating doon ang daming tao sa labas - nakaupo, nakatayo, nakahiga, babae, lalaki, pamilya, magbabarkada..lahat stranded at kabilang kami doon. kaibahan lang sa kanila, bumalik kami ng opisina dahil doon may pagkain, upuan, higaan, airconditioned, at may wash room.
sabi ng kasama ko "may sasakyan tayo, may pera tayo pero hindi tayo makauwi. wala tayong magawa"
totoo, pagdating sa ganitong mga sitwasyon, mayaman ka man o mahirap wala kang magawa when nature strikes. sa tv pinapakita kung gaano kataas ang tubig baha. ang iba sa bubong na bahay na sila nagstay dahil umabot na hanggang second floor ang tubig. makati, quezon city, manila, pasig, marikina, rizal...walang ligtas sa tubig baha. 1st floor, second floor or third floor man yang bahay nyo, inabot pa rin ng baha.
isang buwan na konsumo daw ng ulan ang binuhos ni ondoy ayon sa pag-asa. napakalakas nya, ang dami nyang baon na tubig. hindi ba nya alam na sobra sobra na tayo sa tubig baha...i feel blessed dahil walang baha sa lugar namin, pero sobrang depressing ang napapanood kong balita sa tv, oh ondoy!
sabi nga after the storm there's a rainbow, and the sun will shine again..
may it shine so bright tomorrow..
SONA, PHILHEALTH AT OFW
12 years ago
8 comments:
It was one the the worst calamity that hit our country this 2009, along with Metro Manila, 23 provinces were declared under the State of Calamity, and thousands were stranded in their offices, malls and in their roof.
Let us pray for the victims of this calamity and try our best to offer help and prayers to them.
Thank you for sharing this post.
A blessed weekend to you and your family.
ako umalis ako ng bicutan 4 pm kasi alam ko baka matraffic so iniisip ko at least 2hrs ang traffic, pero mali ako 7pm na di pa me dumating sa makati, di man lang nanglahati, ang nmasama pa manager ko nag txt na walang pasok, hayyy ayon dumating me sa makati almost 10pm, tambay na lng grabe
hay... pati pala ikaw stranded :(
sana maayos na ang lahat at bumalik sa normal... im praying. even harder...
stranded ka pala..mabuti na lang at ligtas ka..
wala tayong magagawa sa ngayon maliban sa matinding panalangin sa Kanya..
True optimist ka. Rainbows symbolize hope.
At last I finally saw a Pinoy blogger with a dog LOL! Come see Lancaster. Cute naman ng puppy mo!
hmmmm nakakatakot nga yung bagyong yun... walangf masyadong hangin pero anak ng jueteng naman... pang 30 days yung buhos ng ulan.... bahang baha kami at walang internet sa buong bayan namin.... sa taytay kasi ako... isa ito sa mga tinamaan talaga
I already added your blog with Snowy in Lancaster's home page! Thanks. Be well, both of ya.
Post a Comment