Monday, March 30, 2009

hangover



ang pektyur na ito ay kuha sa hospital. dahil nanganak si cuzz, binisita namin sya sympre. kahit antok na antok pa ako, gumising ako ng napakaaga, makita lang baby nya. si cuzz ang nakaharap sa camera, at yan ang kanyang bed. natutuwa ako, kasi kaparehas ko berthday anak nya, kaya kahit hindi ako maghahanda, may maghahanda na para sa akin...yehey! tipid ito!
anyway, dahil sa sobrang hilo hilo pa ako noong nakaraang gabi, diretso ako sa room nya at tyempong walang tao (dahil lahat sila nasa viewing room) ayun, i lay down my body sa bed at itinulog ko.
dahil hindi ako makabangon, si cuzz walang magawa kundi i-share ang bed nya sa akin, nyahahahah..dumating si doktora in charge para i check up sya, pero hindi ako matinag sa aking pagkakahiga...

akala ko maiiwan ako sa hospital para magpaconfine, buti na lang bumuti-buti ang pakiramdam ko at nakayanan kong maglakad..ahihihihi..

13 comments:

Lord CM said...

Ahihi :D nakipagsiksikan sa pasyente lolzz

elenita said...

pambihira jez buti na lang hindi ka napagkamalan ni dok na ikaw un nanganak hehe.. naku eh ok ka na ba?

Natuwa ako sa kabday mo ang baby niya hehe.. me maghahanda nga para sau. pero alam mo me cousin din ako na ka bertday ko eh kaso hindi rin naghahanda kagaya ko kaya sori na lang ako hahaha..

payatot said...

buti naman at di ka na konpayn sa ospital hija, naku at nag kuripot ka pa ha? bawal pumnta sa handa ng iba dapat may handa ka rin sayo..

A-Z-E-L said...

mareeeee.. ang lapaaadddd pala ng likod mooooo!

toinks!

nagpapahinga lang mare.
may inaayos na bagay-bagay.
kailangang sumaya ang buhay!

poging (ilo)CANO said...

hahaha..kala ko malaki na yung baby na pinanganak niya..katabi kasi eh...hindi pala...lolz...

PaJAY said...

oi!..

belated Hapi bertdey Jez!..


ilang taon na?...lolz..

kala ko ikaw ang pasyente...lolz...

jEn said...

hehe..akala ko may inuman eh..:))

The Pope said...

Hehehehe, sana ay wala ka ng over-hang ngaun, dahil nais kong ipasa sa iyo ang UBER AMAZING BLOG AWARD, nawa'y pagdamutan mo itong munting handog ko sa iyo, beleted happy berdey.

jhosel said...

haha. oo nga buti di ka napagkamalang pasyente. ahehe.

hapi bday din sa anak ng cuz mo. :)

Mon said...

hmmm.. lasengga lady ka pala? hehe.. joke lang.

Jez said...

LordCM...nadatnan na nya akong nakahiga kaya ang pasyente ang nakipagsiksikan sa akin..ahehehehe

ELENITA...oks ne meeehhh..pwede na ulit tumagay,ahahaha
nga pala, hindi ko maacess blog mo

PAYATOT...hayyy,,buti na nga lang tlga...next year malamang bongang bonga ang birthday party ko, kasi 1yr na rin baby ni cuzz eh,hehehe

Roland said...

ang cute ng pic
akala ko yung nakatalikod ang may berdey
ahihihi

yan puro kc night life!?

PaJAY said...

san ang cbox?..bat wala?...hehehehe

 
Template by Exotic Mommie