Saturday, March 14, 2009

hapdi at kirot

Hindi ako nag-iinarte, pero mahapdi talaga mga kamay ko.
Kagabi, umuwi ako ng maaga at naiisipang ibabad sa powder na sabon ang mga lingerie ko (naks, lingerie eh noh, para naman susyal..hahaha) at ang ibang maseselang damit na hindi ko naipadala sa laundry shop.

Nagbasa muna ako ng libro habang naghintay ng ilang minute sa pagkababad ng damit. Ng maramdaman kong gusto ng humiga sa kama ng katawan ko, tumayo na ako at pinagpatuloy ang paglalaba. Kusot dito, kusot here, and kusot everywhere. Dahil rin dun, nagising ang dugo ko kung kaya’t nag mop na rin ako ng kwarto, sala at banyo.
Pagkatapos ng lahat lahat na nagawa ko, natuwa ako kasi feeling fresh ang bahay kung kaya’t ang sarili ko naman ang nilinis ko para makumpleto na ang pagiging fresh..nyahahaha.

Kinabukasan, paggising ko, binasa ang aking mga kama’y doon na…doon ko na naramdaman ang hapdi ng sugat na idinulot ng pagkusot here, pagkusot there, and pagkusot everywhere. Omg tlga! Ang hapdiiii!!

Naalala ko, Friday the 13th kahapon.

Hayyyzzz..dahil sa nangyari, bawal munang
(1)Ipakita at idisplay ang kamay sa public viewing
(2)Makipag holding hands

Sa susunod alam ko na gagawin ko
(1)Magpapalit na ako ng detergent – matapang daw ung gamit ko weh
(2)Magsusuot na ako ng gloves – para isang suntok knock out kaagad ang bacteria (ngek! Parang commercial ata un ni juday)
(3)Maglalaba pa rin ako sa kamay, kasi wala kaming washing machine

Pero, sympre im still thankful dahil may mga kamay akong tumapos sa maruruming damit ko.

13 comments:

Lord CM said...

Hehehe :D next time gloves ka na...masakit kaya talaga pag nasugat kamay mo dahil sa pagkusot.

=supergulaman= said...

marami pa pong labahan dito sa amin...pwede po ba patulong?... ahehehehe... haaysss, kawawa naman pala ang labandera ko nu, kapatid ko ang taga-laba ko eh...malibre nga ng merienda...aheks...

payatot said...

dapat ka lang mag ingat sa pag gamit ng sabon dahil may matapang talaga dyan at kita mo sumakit ng kamay mo..hija, ingatan mo srili mo ha para di ka magkasakit...ingat na lang ulit sa susunod na kusot...

_ice_ said...

hahahaha

marami pa ako dun mga dirty clothes 4 days ako sa hospital eh...

musta

A-Z-E-L said...

mare... eto pang tip.. habang naglalakad ka kantahin mo ung "penny in my pocket".. tapos nakalagay sa bulsa ang mga kamay mo... hehehehe!

para kang si FPJ! weeeeeee!

bawal atang magtype ng magtype sa pc pag masakit ang kamay mare... (parusahan ba!)

elenita said...

hahaha yang kusot here, kusot there, kusot everywhere eh naranasan ko na .. Naimagine ko tuloy si ai-ai delas alas sa kanyang unang box office movie na Ang Tanging Ina. Kuna napanood mo yun eh halos tumalsik ang mga dugo sa kanyang wrist .. (sosi din wahehehe). Bueno maituloy ko ang experience ko sa kuskos-piga na yan. Haysus pano ngang di magdudugo ang kamay ng lola mo eh 3 ang kuya ko na ipinaglalaba ko. tapos mag-iinarte pa sila pag ang laba ko eh hindi mabango. Hmmp di nman kasi sila nagbigay ng pambili ng DOWNY hihihi..

The Pope said...

Hello Jez,

Just to let you know na tumatanggap rin ako ng labada sa murang halaga, HAHAHAHA, pero kung gusto mong i-career ang paglalaba, pag-aralan mong gumamit ng tamang sabon at gloves.

Purihin ka Jez, nakapagtala ka pala ng 83 posts sa nakaraang 2008, congrats.

poging (ilo)CANO said...

ako din sumasakit na rin ang aking mapoging kamay sa kakukusot sa aking mga bikini briefs..naks....ala rin kasi ako mashing machine eh...

Mike Avenue said...

Akala ko, balak mong kumanta ng kanta ni April Boy habang naka-krus ang kamay mo sa ere. Hehe.

Ano na lang ang maglalaba. Expert ako jan.

mightydacz said...

hello ang sipag naman so hows ur kameson este lingerie?

be extra carefulllll take care of yourself.

bye

jhosel said...

aw. gumamit ka na nung may moisturizer na laundry soap.. ahehe. advertisement eno. ahehe.. yup. mag gloves ka nalang para di na masugatan ang beautiful hands..

Bomzz! said...

Na intriga ako sa taytol dali dali kong binuklat ang page mo...na dis a powen ted.. ako. lolz... joke...

r u still hiring??..... sanay ako jan...heheheh

Nakigulo lang uli Jez..

Keep the Faith Bomzz Jovi

Jez said...

LORD CM...i will. i dont want this to happen again.

SUPERGULAMAN..no, thanks but no thanks. grabeh, maawa ka sa kapatid mo. bigyan mo naman sya ng pamapalubag loob.

PAYATOT...opo tito tots, dina mauulit.

ICE..hahahah. oks ka nba?

AZEL..wahahaha. sumalangit nawa.
kahit anong hapdi at kirot kayang kayang i-type ang letra ng buhay koh.hehehe

ELENITA...wahahah. ayaw kong magdanak ng dugo ang aking mga kamay. wawa naman.
salamat sa bisita.

THE POPE...wahaha..binilang tlga ang post ko. sa iyo ko lang nalaman na naka 83 na pala ako..hehe. salamat sa info.

 
Template by Exotic Mommie