Monday, March 30, 2009

hangover



ang pektyur na ito ay kuha sa hospital. dahil nanganak si cuzz, binisita namin sya sympre. kahit antok na antok pa ako, gumising ako ng napakaaga, makita lang baby nya. si cuzz ang nakaharap sa camera, at yan ang kanyang bed. natutuwa ako, kasi kaparehas ko berthday anak nya, kaya kahit hindi ako maghahanda, may maghahanda na para sa akin...yehey! tipid ito!
anyway, dahil sa sobrang hilo hilo pa ako noong nakaraang gabi, diretso ako sa room nya at tyempong walang tao (dahil lahat sila nasa viewing room) ayun, i lay down my body sa bed at itinulog ko.
dahil hindi ako makabangon, si cuzz walang magawa kundi i-share ang bed nya sa akin, nyahahahah..dumating si doktora in charge para i check up sya, pero hindi ako matinag sa aking pagkakahiga...

akala ko maiiwan ako sa hospital para magpaconfine, buti na lang bumuti-buti ang pakiramdam ko at nakayanan kong maglakad..ahihihihi..

Friday, March 27, 2009

birthdayyy kohhhhhhh



ngayon ang araw ng aking kapanganakan, well, yan ang sabi ng mga magulang ko
at yan din ang nakalahad sa aking birth certificate, so siguro sa malamang
ngayon ang aking kaarawan.

ang bilis ng araw, parang kailan lang ginagawa kong swimming pool ang kalye tuwing
baha days. pumpunta sa mga sari-sari store para bumili ng candy o kaya para mamulot ng balat ng candy kasi yun ang nagsisilbing pera naming mga magkaibigan sa paglalaro. parang kailan lang gamit ang manikang papel, nagluluto-lutuan at nagbahay-bahayan kami.

ngayon, nagsuswimming pa ako (hindi na sa baha sympre),bumibili pa rin ng candy gamit ang totoong pera (as prescribed by the government),marunong na akong magluto, pero kaakibat ng bawat hakbang ko sa buhay, ng bawat decision kong ginagawa ay isang responsobilidad hindi lamang para sa sarili ko maging sa mga mahal ko sa buhay (kasama na rin pati mga kaaway)

wahhhhhhh, ayaw ko ng dramaaaaaa......
sa araw na ito, gusto kong maging maligaya
smile there, smile here, smile evrywhere!!!!
birthhhhdayyyyyyyyyyy kohhhhhhhhhhhh!
may party sa bahay (bukas), punta kayo!
edad ko!? sehkretttttttttttttttttttttttttttttt

Wednesday, March 25, 2009

usapang aso



sabi ni brother, nanaginip daw baby koh kagabi.

ako: (mega ask naman ako) ano panaginip nya?
brother: ewan

si snowy tulog, pikit ang mata pero tumataol at umuungol para daw umiiyak
nilapitan daw nya, at ginising.
nagulat daw baby koh, at parang natawa sa sarili.

ako: hah? bakit mo naman nalaman na natawa sa sarili
brother: kasi nilapitan ako, itinaas ang dalawang paa at nakikipaglaro.

wawah naman baby koh, mukhang naiistress....

Monday, March 23, 2009

kuripts

princess of kuripts..yan ang tawag sa akin ng pinsan ko (kasi ang nanay nya ang queen of kuripts…haha). Kuripts..pinaiksing salita ng kuripot.

magmula sa mga pinsan, to tita’s and tito’s and to lola’s, lahat sila naniniwala na ako ay napakakuripot na tao. Madalas kasi naririnig nila sa aking bibig na “wala akong pera”. Pero kahit anong sabihin ko sa kanila na wala akong pera hindi sila naniniwala.
Isang araw sabi ni tiyo, sa panahon ng krisis ngayon isa lang ang hindi nahihirapan, yung mga SINGLE na walang iniisip na pamilyang pakakanin. Alam ko, ako ang pinariringgan mo, huh!

Paano nga naman sila maniniwalang wala akong pera eh may trabaho ako. May trabaho ang nanay ko, may trabaho ang tatay ko. Ibig sabihin ang kinikita ko ay sa sarili ko lang bulsa napupunta. Nakakakain ako sa mga restaurant, nakakapagbakasyon ako sa ibang bansa, nakakabili ako ng, damit atbpa. Hindi ako mahilig sa gimmick, hindi ako mahilig uminom. Wala rin akong boyfriend na pinagkakagastusan. Mga damit ko, kadalasan bigay lang. Sa pagkain, oo inaamin ko, duo, duon ako mahilig! (hahahaha!) oo nga eh, kahit na ako hindi ako makapaniwala na wala akong pera (hehehe)

Magbibigay ako sa taong alam kong kailangan. Hindi ako ang tipo ng tao na binobrodcast ang mga ginagawa ko. Kung sino ang pinagbibigyan ko at kung sino ang mga tinutulungan ko. Hindi ko rin naman siguro dapat i-explain sa kanila kung saan napupunta ang pera ko dibah.

Dati, maganda ang kita ng magulang ko sa kanilang negosyo. May mga sasakyan kami, may driver kami, may mga bahay at lupain kami. Dahil din doon, maraming kapwa tao ang kumikilala sa amin. Parang ang lahat eh ang bait bait ang pakikitungo. Kaso,nawala ang kinang na aming tinatamasa, kasabay nun nawala din ang mga nagbabait baitang mga kapwa tao sa amin, lalo na sa mga magulang ko. Bagkus, napalitan yun ng pangkukutsa at panlalait.

Kaya siguro ganun na lamang ang higpit ko sa paglabas ng pera. Pero may mga oras din na kinukwestyun ko sarili ko. May pagkakataon na hinahamon ko rin sarili ko, kuripot nga ba ako or wala tlga akong pera?

isang araw nagpunta ako sa parlor para magpa-ayos ng buhok. pina estimate ko muna pagkatapos nakipagtawaran ako(o dibah, hindi lang sa palengke ang tawaran). tapos tinanong ako, ano ba probinsya mo...sabi ko pampanga. eh, alam ko sa mga taga pampanga maluluwag sa pera, bakit ang kuripot mo sabihan ba naman ako ng ganun..hmmppppp...

Tuesday, March 17, 2009

gunting



Yan ang aking my one and only pamangkin, our munting prinsipe. Ang cute cute nya noh. Sympre mana sa tita eh., hehehe. He just celebrated his first birthday last February. Sa sobrang kabisihan nung birthday nya, hindi sya napagupitan ng kanyang magulang. Yun pala, dapat ako daw ang unang gumupit sa mahaba na nyang buhok.

Kung kaya’t nung umuwi ako last week, doon pa lang sya napagupitan.

Tinanong ko kung bakit ako dapat ang unang gumupit sa kanya. Ang sagot nila, kasi daw matalino ako (duhh! matalino man daw ang matsing napaglilinlangan din...toink!)

Para daw lumaki din ang aming munting prinsipe na matalino .
Ahhhh??? Anong koneksyon ng paggupit ko sa mga values na tataglayin ng aming munting prinsepe? Nakukuha ba sa gupit un? nasa klase ba ng gupit at gunting naka base kung tatalino ang aming munting prinsipe? paano kung zigzag, straight, o bagsak ang gupit nya?

Monday, March 16, 2009

dear Lord



Lord, maraming salamat po sa mga kaibigan na pinakilala nyo sa amin. because of them we came to realize and appreciate life twist and turn. lord, meron isang particular na kaibagan akong ililift up sa iyo. si yannah. nakilala ko lang sya dito sa pagbablog ko pero naramdaman ko ang sinseridad at tapang ng loob. lumalapit kami sa inyo po, we pray for a good health, strenght and wisdom as she travel her life. lord, maraming bagay ang gumugulo sa isip nya ngayon. maraming desisyon ang dapat nyang gawin. maraming pagkakataon na sya'y nadapa, pero tumatayo po sya upang lumaban. please hold her tightly oh lord. alam po namin na you know the desire of our heart. lord, ikiclaim na namin na tapos na ang paghihirap nya, na peaceful na ang pakiramdam nya.

God is so good. ang pagmamahal nya sa atin, pinapakita nya sa iba't ibang paraan.
kumapit ka lang yannah. pagkatapos ng lahat ng unos na ito, ngingiti ka at sasabihing, "im glad i've experienced it"

the speak

3 weeks ago, I attended a speaker’s training sa organisayon kung saan ako kabilang. Hindi man ako magaling na manunulat at mananalita, but im holding on to my passion and willingness to help kids, teens and anyone in need. Gusto kong i-share what I have learned sa journey ko sa buhay, baka sakaling may mapulot sila kahit katiting dibah. Bata pa ako pangarap ko ng pumasok sa pulitika. Sabi ko, gusto kong tumulong sa pilipinas. Gusto kong maging bahagi ng pagbabago nito. Kaso, now that I’ve grown up, narealize ko ang hirap pala ng buhay sa pulitika, parang showbiz. Daming intriga. Umalis ako sa showbiz at ayaw ko ng balikan ito (duhh!!! Hahahah As if!!) Pwede naman pala akong tumulong on my own private way without campaigning for a position. Atleast ditto I remain private..hehehe at walang paparazzi na sunod ng sunod.hehehe

Anyway,(back to the training)..we were given a topic tapos tatayo ka in front of an evaluator, in 10 minutes, you have to say your piece. When it was my turn, sympre confident ako, kasi sanay naman akong humarap sa madla. But I was wrong, in the middle of my talk I was grabeh black out. As in. actually, at the start pa lang I am not confident sa sinasabi ko. Ako mismo hindi ko ata maintindihan ang lumalabas sa aking bibig eh. Actually, wala ako sa sariling katinuan ko that time (hahaha…justifying my action,,hahah). pero by heart, I should know the topic kasi un ang ginagawa namin weh. Pero in fairness ah, one week kong inisip yun. One week akong naging matamlay.

Yesterday, I was informed, ill give a talk daw on april to this numbers of teens. pinakita sa akin ang listahan ng mga speakers...uu nga, nandun ang pangalan ko. Hindi naman ako umayaw. Oks lang sa akin. Pero, ngayon pa lang pag-aaralan ko na ang topic ko para hindi na maulit ang nangyari last time.

Saturday, March 14, 2009

hapdi at kirot

Hindi ako nag-iinarte, pero mahapdi talaga mga kamay ko.
Kagabi, umuwi ako ng maaga at naiisipang ibabad sa powder na sabon ang mga lingerie ko (naks, lingerie eh noh, para naman susyal..hahaha) at ang ibang maseselang damit na hindi ko naipadala sa laundry shop.

Nagbasa muna ako ng libro habang naghintay ng ilang minute sa pagkababad ng damit. Ng maramdaman kong gusto ng humiga sa kama ng katawan ko, tumayo na ako at pinagpatuloy ang paglalaba. Kusot dito, kusot here, and kusot everywhere. Dahil rin dun, nagising ang dugo ko kung kaya’t nag mop na rin ako ng kwarto, sala at banyo.
Pagkatapos ng lahat lahat na nagawa ko, natuwa ako kasi feeling fresh ang bahay kung kaya’t ang sarili ko naman ang nilinis ko para makumpleto na ang pagiging fresh..nyahahaha.

Kinabukasan, paggising ko, binasa ang aking mga kama’y doon na…doon ko na naramdaman ang hapdi ng sugat na idinulot ng pagkusot here, pagkusot there, and pagkusot everywhere. Omg tlga! Ang hapdiiii!!

Naalala ko, Friday the 13th kahapon.

Hayyyzzz..dahil sa nangyari, bawal munang
(1)Ipakita at idisplay ang kamay sa public viewing
(2)Makipag holding hands

Sa susunod alam ko na gagawin ko
(1)Magpapalit na ako ng detergent – matapang daw ung gamit ko weh
(2)Magsusuot na ako ng gloves – para isang suntok knock out kaagad ang bacteria (ngek! Parang commercial ata un ni juday)
(3)Maglalaba pa rin ako sa kamay, kasi wala kaming washing machine

Pero, sympre im still thankful dahil may mga kamay akong tumapos sa maruruming damit ko.

Tuesday, March 10, 2009

my gift

Have you ever experience na zero balance kana. I mean, naiiyak kana kasi wala ka ng pera na gagastusin for the next day. That you already used ung nakatabing pera mo. Nakatabi kasi for future use mo iyon. Nagagalit ka sa father mo, kasi dahil mahina ang negosyo at pasok ng pera, ang nakatabing pera mo ang ginagastos ngayon para masustetuhan ang pambayad sa renta, kuryente, grocery, tubig at kung ano ano pa. Not to mention lumaki na rin pati utang mo sa kumpanya, na pinaka-ayaw mong gawin ay ang mangutang. Naiinis ka sa kuya mo dahil wala syang trabaho, winiwish mo na sana magkatrabaho na sya para lumuwag ka sa mga gastusin sa bahay. May trabaho ang bunso at nanay mo, sisusuportahan nila ang isang kapatid na nag-aaral pa at ang pamilya ng kuya mo. Kaya, as much as possible ayaw mong humingi ng financial support sa kanila.

Have you experience na malugi ng 6figure sa isang business. Dugo’t pawis ang pinuhunan mo to come up with that cash, tapos maglalaho lang na parang bula. Worst, yung may utang sa iyo mukhang ayaw ng magbayad. All your text, email and phone calls hindi na sinasagot.

Have you experience meeting your bff (best friend forever!), natapos mo na libro mong binabasa pero wala pa sya. Kinakabahan kana, kasi wala ka ng perang pang-taxi. Kumain kayo sa isang restaurant at isang coffee shop..hati kayo sa bayad sympre. Inabot mo sa waiter ang credit card mo at kinuha sa bff mo ang pera na ibabayad nya para may cash ka sa wallet…atleast may pang taxi kana, may pang laundry pa! yessss.
You cut your expenses sa bahay, wala ka ng katulong. Soon you will be transferring sa mas murang apartment. Grabeh naman kasi, you live in a street ng mga sikat at kilalang tao sa lipunan. Paano kayo makikipagsabayan sa kanila?

Then you realized, why should you complain on something na hindi naman actually sa iyo. Your money isn’t yours actually, it’s God’s blessing unto you. And even though youI’ve experienced difficulties in your life, nakakasurvive ka. See,you’re still alive and kicking! Why worry on the future na hindi mo naman alam what install for you, wherein fact you have the present to deal with and enjoy.

Malapit na birthday ko. As a gift to myself, I sign up sa world vision to sponsor one child. 600monthly ang babayaran mo to sponsor one child. May regular salary naman akong dumarating. Paano na mga payables mo, you probably ask? Tapos dagdag pa ito sa expenses. Hhmnn….I am positive with our status. 600? Sacrifice one night gimmick dibah. Ordinaryo lang ako, just a girl standing in front of a man, waiting for him to love her…hahahaha. I want to help people, kung kaya ko naman ibigay ang kaunting tulong, why not diba. Of all the things and activities I do in my life, meeting and dealing with different faces, and extending your hand for a help ang pinaka gusto ko. It bring joy and peace in my heart.

I am so happy and so excited with my “little sister".

Wednesday, March 4, 2009

radyo

Kumakain ng potato chips
Katas ng ponkan ay sinisipsip
Sabay kinig sa kantang pag-ibig
Na sa radyo’y pinatutugtog ang himig
hawak sa kaliwang kama’y aklat
Sulat ni Paulo coehlo’y binubuklat
Habang kanang kama’y nagsusulat
Sa antic na journal na sa mesa’y naghihintay
Yan ang buhay ko kagabi
Dahil sira ang connection sa bahay
Kaya sa opisina mega gamit ng internet
Na dati’y hindi pinapansin

*******************************************************

G: “may nararamdaman kaba sa akin?
J: “wala”
g: “when people say No, they actually mean yes?” do you agree?”
J: why would they say no, when they mean yes. It just makes things complicated

I wish I didn’t have to control myself. They said the universe will conspire to make your dreams happened. Basta maniniwala ka. Kaya ba hindi nagyari, because I myself block the direction of the wind? I myself fought my heart?

Wheeewwww..epekto yan ng love songs na naririning ko mula pa ng pag-upo ko dito. At walang kinalaman sa huling post ko.

 
Template by Exotic Mommie