Monday, March 23, 2009

kuripts

princess of kuripts..yan ang tawag sa akin ng pinsan ko (kasi ang nanay nya ang queen of kuripts…haha). Kuripts..pinaiksing salita ng kuripot.

magmula sa mga pinsan, to tita’s and tito’s and to lola’s, lahat sila naniniwala na ako ay napakakuripot na tao. Madalas kasi naririnig nila sa aking bibig na “wala akong pera”. Pero kahit anong sabihin ko sa kanila na wala akong pera hindi sila naniniwala.
Isang araw sabi ni tiyo, sa panahon ng krisis ngayon isa lang ang hindi nahihirapan, yung mga SINGLE na walang iniisip na pamilyang pakakanin. Alam ko, ako ang pinariringgan mo, huh!

Paano nga naman sila maniniwalang wala akong pera eh may trabaho ako. May trabaho ang nanay ko, may trabaho ang tatay ko. Ibig sabihin ang kinikita ko ay sa sarili ko lang bulsa napupunta. Nakakakain ako sa mga restaurant, nakakapagbakasyon ako sa ibang bansa, nakakabili ako ng, damit atbpa. Hindi ako mahilig sa gimmick, hindi ako mahilig uminom. Wala rin akong boyfriend na pinagkakagastusan. Mga damit ko, kadalasan bigay lang. Sa pagkain, oo inaamin ko, duo, duon ako mahilig! (hahahaha!) oo nga eh, kahit na ako hindi ako makapaniwala na wala akong pera (hehehe)

Magbibigay ako sa taong alam kong kailangan. Hindi ako ang tipo ng tao na binobrodcast ang mga ginagawa ko. Kung sino ang pinagbibigyan ko at kung sino ang mga tinutulungan ko. Hindi ko rin naman siguro dapat i-explain sa kanila kung saan napupunta ang pera ko dibah.

Dati, maganda ang kita ng magulang ko sa kanilang negosyo. May mga sasakyan kami, may driver kami, may mga bahay at lupain kami. Dahil din doon, maraming kapwa tao ang kumikilala sa amin. Parang ang lahat eh ang bait bait ang pakikitungo. Kaso,nawala ang kinang na aming tinatamasa, kasabay nun nawala din ang mga nagbabait baitang mga kapwa tao sa amin, lalo na sa mga magulang ko. Bagkus, napalitan yun ng pangkukutsa at panlalait.

Kaya siguro ganun na lamang ang higpit ko sa paglabas ng pera. Pero may mga oras din na kinukwestyun ko sarili ko. May pagkakataon na hinahamon ko rin sarili ko, kuripot nga ba ako or wala tlga akong pera?

isang araw nagpunta ako sa parlor para magpa-ayos ng buhok. pina estimate ko muna pagkatapos nakipagtawaran ako(o dibah, hindi lang sa palengke ang tawaran). tapos tinanong ako, ano ba probinsya mo...sabi ko pampanga. eh, alam ko sa mga taga pampanga maluluwag sa pera, bakit ang kuripot mo sabihan ba naman ako ng ganun..hmmppppp...

9 comments:

A-Z-3-L said...

mareeeee...
sabihin mo sa kanila.. mahal ang dog food, dog shampoo, dog powder, dog shirt,.. etc.etc... dog stuffs!!!

aba mare, kapampangan ka pala...
nukarin ka makatuknang?

no...no... no... hindi ako kapampangan. nakakaintindi lng... aheks!

pet said...

alam mo hija, tama lang ang ginagawa mo kase dinanas mo na pala ang magkaroon ng magandang buhay dahil sa negosyo ng parent mo tas bigla nawala..at dahil din dun e nawala din ang mga ato na dapat ay mauunawaan kayo tas nangutya pa pala sila..di kita masisisi kung ganyan ang ugali mo dahil di naman kadamutan ang magtabi ng pera para sa sarili mo...tama lang yan hija..di kakuriputan yan..

Anonymous said...

Siguro, kuripot ka talaga..hehe Masama daw sabihin na wala kang pera. Kasi negative 'yon. The more na sasabihin mo 'yon the more na mawawalan ka ng pera..Nabasa mo na ba ang aklat na "The Secret"? Try mo, it's inspiring..Pag mabasa mo to tiyak na iwasan mo na sa kasasabing wala kang pera..Cheers!

The Pope said...

Kadalasan ang pagiging kuripot ay isang kaugalian na hindi nauunawaan nang mga taong walang pagpapahalaga sa salapi.

Ang wastong paggastos ay susi sa maayos na pamumuhay na dapat nating ipagmalaki lalo pa't dumadaan tayo sa krisis pinansyal.

Laging alalahanin na ang perang ating itinatabi sa kasalukuyan ay
ang pera rin na kakailanganin natin sa oras ng ating kagipitan.

Mabuhay ang mga kuripts ;)
at maiingit na lang kayong mga bulagsak sa salapi.

_ice_ said...

palibre sana ako sayo.. iniisip ko alm mo na..

hahahha musta?

Jez said...

AZEL...hahaha, as in sobrang mahal! napagtanto ko, sa kanya pala nauubos ang savings ko weh..heheh

wah, kapampangan ku. hehe. hala, lakusa kapampangan ka. bakit marunong ka?

Jez said...

PAYATOT...salamat at may nakakaintindi sa aketch.

RUPHAEL..nabasa ko na ang book na "the secret". and it helps alot. kaya binago kona, instead of saying "wala akong pera" ang sinasabi ko "may other priorities ako"

THE POPE...dapat alam nila kung paano pahalagaan kasi ang hirap ng buhay at hindi biru biro ang magbanat ng buto para lang kumita

apir! mabuhay mga kuripts!


ICE...wahahahah

EǝʞsuǝJ said...

mare!!!
pareho tayo..
medyo matipid din ako, na magastos at the same time..hehehe...
kalma lang sa pagtitipid..
ndi masama na minsan gumastos tayo as long as we can make other people and ourselves happy.:D

Roland said...

i dont think "kuripot" ang tawag dyan
"wais" ka lang, kc nga dahil sa pnagdadaanan ng fam.

 
Template by Exotic Mommie