Hhmmnn……huli na ba ako? Di bale at least nakahabol naman……eto na
8 things i look forward to
1. Matuloy ang aking pagbabakasyon sa Bangkok o kaya sa Vietnam ngayong taon…(syakkksss…sana sana sana sana sana)
2. Makapag enroll na sa driving school (sana sana sana sana…para naman I can stand on my own na…hehehe)
3. matapos na ang mga utang kong binabayaran..hehehe (konti na lang konti na lang)
4. Sana magka boyfriend na ako... (sige na Lord, pagbigyan mo na ako pleeeease..heheheh)
5. Ang sfc anniversary sa aming probinsya…(October yunnn!!)
6. ang gk sympre…sana, sana makasali ako…
7. family outing sa may! Kahit tag-ulan na, oks lang
8. Christmas! Para lahat happy
8 Things i did yesterday:
1. nagbasa ng eclipse (3rd book ng twilight saga)
2. kumain ng yogurt at doughnut
3 nag gym..(duh!)
4. nagcalculate, nagbalanse, nag check
5. nanood ng tv
6. nakipagkulitan kay snowy
7. Nagdasal, nagtanong…
8. nagfacebook, nagblog
8 Things i wish could do:
1.Mag drive na
2.Magbakasyon sa Bangkok!
3.Mag-enroll sa pasukan ng kurso sa edukasyon (uu, I want to teach, I want to teach kids)
4.Makapag bungee jump..hehehe kahit afraid sa heights
5.Makapag donate ng blood sa red cross
6.Volunteer sa gk
7.Ano pa ba…hmmnnn basahin at tapusin lahat ng books ko na dipa nababasa
8.At pumunta sa bansa ni pareng obama para mabisita ang pinaka importatanteng tao sa aking buhay! (pero may swine flu,,pano kaya to)
8 Shows i watch:
1. tayong dalawa
2. may bukas pa
3. snn (ano ba, kailangan din ma update sa showbiz,, hehhehe)
4. E! (kailangan din maki tsismis sa Hollywood)
5. 24 (shettt..bibili talaga ako ng series nito kapag nagka extra money ako)
6. cnn (in fairness…heheheh serious ahh)
7. actually..wala masyado..busy eh
8. wala talaga….busy nga kulet.
Kanino ko ba ipapasa? Ewan ko, wala siguro kasi mukhang nagsawa na kayo sa kakabasa nyan eh. Tagal nang umiikot ngayon lang napasyal sa akin, hehehe…..busy-busyhan ang drama ko weh….hayyzzz…
ps
ahhh..salamat kuya rhodey sa tag mo, in fairness napa isip ako,,.,hehehhe...
Tuesday, April 28, 2009
pahabol
Friday, April 24, 2009
si kapatid
ang aming bunso. dahil bunso, may pagka spoiled. Kung anong hingin, madalas pinagbibigyan. Hayaan mo na, madalaas kong marinig sa bibig ng aking inay. Malambing kasi ito eh, joker pa. at sinadsbihan ko ng I love you,,,hahaha..uu ina-I love you ko yan,,,,hug and kiss ko pa….pero ayaw na ayaw nyang naka=akbay ako sa kanya kapag nasa mall kami,,,hehe baka isipin daw ng tao mag un kami,,,nyahahahha…pero ako pilit kong kinukuha ang braso nya,,,,
June 2007 nang sabihan nya kami na pupunta sya sa Qatar para magtrabaho.going 22 ang edad nya nun.. Kasama nya ang pinsan ko na makikipagsapalaran at magpapalipas ng oras. Ayaw kong pumayag, may pangamba at pag-alala kong pinahiwatig yun sa aking magulang. At ganoon din sila. Ang bunso kasi namin hindi pa naranasang magtrabaho. Sa bahay, bihira kong makitang may hawak na tambo at basahan yan para maglinis. Madalas kasama nya mga pinsan at kaibigan. naglalaro sa computer, nagbabasketball, nag-iinuman. Pero mapilit sya, at sa bandang huli napapayag na nya rin kami. para matutunan nya ang buhay, para magmature sya, yan ang dinahilan namin sa aming sarili.
September 2007 ng makaalis sya. hindi sya masyadong nalungkot kasi magkasama sila sa trabaho ng pinsan ko at ng kaibigan nya. Dahil naka 24/7 ang internet connection, madalas din kaming magchat. Pero umuwi ang pinsan ko at kaibigan nya noong November 2008. Naiwan syang mag-isa sa kwarto, mag-isa sa Qatar. Tatapusin daw nya ang 2year contract nya. Matagal pa. kahit anong tingin ang gawin ko sa kalendaryo, matagal pa ang pagtitiis ni brother. noong february tinanong nya ako kung pwede na raw syang umuwi....sinabi ko sa magulang ko,,pumayag naman sila,,ayun na set na namin sa mayo ang uwi nya. kaso, biglang nagbago na naman pasya nya. tatapusin na daw nya contract nya (na namannn..) pero siguro, napapagod na sya doon at na hohomesick na sya.first time nyang magtrabaho at first time nyang malayo sa amin ng matagal....
noong makalawa, nabasa ko message nya, uwi na raw talaga sya...hindi ko pa sya nakakausap pero nag reply ako sa kanya,,,na ayusin na nya mga papeles nya doon at anytime pwede na syang bumalik dito sa pinas para makapiling namin.....yun din sabi ko sa text ko kagabi...ayun nag reply na naman na hindi daw sya uuwi...
ang gulo nyah...
tuwing napapagod sya sa trabaho, tuwing namimiss na nya kami, binibigkas nya ang katagang..gusto ko ng umuwi...siguro sa puso nya, gusto na nya talagang umuwi, kaso nag titiis lang. si kapatid...nananabik na rin akong mayakap sya. pero proud ako dun, kasi nakayanan nya at kinakaya nya.
Thursday, April 23, 2009
pagod lang
I’m tired, so drained. My hands, my eyes, my shoulder, my whole body needs to relax. As soon as I came home from work I lay down my body on my bed and close my eyes. But it wasn’t enough to keep my muscles calm. I’m so tired. I wanted to finish my work to meet deadlines. I’ve finished typing, calculating and balancing one duty awhile ago, though I have to allow my eyes to have a final check tomorrow. I should be resting now, to revive the force for the continuation of my function. But here I am …hahahha im just thinking, perhaps blogging might help my body cheer up..nyahahahha
I actually beg to be excused from an engagement with my friends tonight. I am truly feels so bad for not being present. And possibly they feel bad towards me, I guess for not being there (again!). Yes, it wasn’t the first time I let pass our gathering. I remember, they actually call me “architect” kasi puro daw ako drawing. Pero kasi naman there are times na sobrang pagod na ako at gusto ko na lang magpahinga. Am I bad? I guess next time I would not say yes at once so as they will not expect my present. Anyway, ill meet them on Sunday (hahahahah…inilaan ko na yun…pupunta ako), ill buy them a cake & chocolate na lang para pang suhol sa kanila para di na sila magalit. Hahahha, I guess I’m really bad….
goodnight people!
Wednesday, April 22, 2009
i-kwento, i-kwenta
Fiesta..sunod sunod na. sa aming lugar sa probinsya, pwede ka ng magpatay ng kalan sa dami ng fiesta. Tuwing linggo meron. Masaya iyon, bukod sa sobrang dami ng pagkain na pagpipilian, may mga iba’t ibang pakulo pa na inihanda. May nakita nga akong banner na si angel locsin ang bibisita sa kanila at ipaparada. At narinig ko ang aking lola na tinatanong ang oras nang pagparada sa kanya…balak daw nyang pumunta..ahihiihhi..parang gusto ko rin syang makita para makampante ako kung talagang totoo ang chismis na kahawig ko daw sya…nyahahhaha…o walang kokontra…di nyo pa naman ako nakikita….tsaka malamig ang panahon kaya bawal mag-init…ukies
Sige, tuloy ko na,,,nawala ako ahhh,,ano nga, ayunn fiesta…isa sa pakulo ay ang ms. Gay pageant. Marami akong mga kaibigan na member of the third sex(?). nakakatuwa silang kasama. I always look forward sa araw na kami ay magkikita. Walang dull moment, hayyyyy halakhak ditto, halakhak dyan, halakhak everywhere…nakakatulong sila sa pagkabata ng istura, isip, at puso,,heheh. dahil isa sa kanila eh may lihim akong pagtingin,,naks, crush ko sya, uu..gwapito weh, kamukha ni gabby concepcion...sayang! Tsk..sabi ko sa kanya gagawin kitang lalaki…hahahah…sagutin ba naman akong, sige subukan mo!..hahahhaha..masubok nga...nyaahahaha..anyway, ayun dahil ung crush ko ang nag I-second the motion sa pag-imbita sa akin para manood, hindi sya contestant, magjujudge daw sya ayun sige, punta ako bukas, siguro,,,depende sa panahon, kapag umulan, tatamarin ako. Haba haba kaya ng lalakbayin ko, manggagaling pa ako sa metro city.....sususs...sana umulan para may dahilan akong hindi makarating..hahahahha..bad jez, badddddddd!
************************************************************************************
Pinangako ko na sa sarili ko na hindi na ako magbubukas ng computer sa gabi. At kung magbukas man eh, hanggang 11pm lang dapat,,,dapat! Dahil sa araw araw na pagka adik ko dito weh, ayun langya araw araw late ako sa office. sa bawat minuto eh may bawas yun, susme, sayang yun, pang paparlor ko na kay snowy my baby ko yun..langya. kaya ayun, maaga na akong natutulog. Pero langya, ganun rin pala suma total, maaga man akong matulog late pa rin ako sa office…kung kaya’t aking napagdesisyunan…magbubukas na ako ng computer umaga hapo gabi at madaling araw man…kase parehas din…late pa rin ang bagsak kohhh!!! huhuhuhuhuhu
*************************************************************************************
dami daming awards! nasaan!? ayun oh, tignan nyo na lang sa slide show ko..hahaha tinamaad ng ilagay dito weh....basta taos puso akong nagpapasalamat sa pagtanggap nyo sa akin, sobra, kaya nga nakakaadik dito eh...basta yun na yun, salamat!
p.s.
ng dahil sa ulan, ayunn nilabhan ko ulit yung sinampay ko kahapon. at dahil umulan na naman ngayon, sa malamang sa hindi lalabhan ko na naman mamayang gabi yun...hayyyzzzz nakakapagod ahhhhh! paulit ulit ko ng nilalabhan...sssssuuuusmeeee
Monday, April 20, 2009
lamig na!?
Ang interpretasyon natin sa buhay depende kung paano mo ito I-internalize .
Logical. Ito ay ang mga statements, yung facts. ginamitan ng mga pamamaraan na nakikita, nababasa, naaamoy, naririnig at nalalasahan. madaling maintidihan diba. Kasi common sense. Kitang kita ang ibig ikahulugan. (naalala ko tuloy si pogi – sabi nya di pa raw nya nalasahan ang (ibang) mga blogero..hahahaa... kaya di pa kumpleto facts nya…hahahahaa...pisssss)
Intuitive. Base sa nararamdaman. Sabi nga ni wikepedia intuition has "ability to sense or know immediately without reasoning", and is often regarded as a divine or prophetic power. Katulad ng mother’s instinct. Diba gaano man natin ikubli ang ating panghihina sa mga bagay-bagay, nararamdaman ng inay yun. Isang pangyayari sa buhay ko.for many years, hindi ako naghoholy week sa aming probinsya. Usually, naglalakwatsa ako. Pero nitong nakaraan, hindi ako nagplano, hindi ako nag tawag ng barkada para mag schedule ng lakad. Yun pala, uuwi si daddy sa probinsya. For 8 years, muli syang natulog sa unang bahay na binild up nila ng mommy ko. Sobrang ligaya ko nung araw na un…hehehhe kita mo hanggang ngayon nakangiti ako,.,heheheh…Siguro una palang, naramdaman kona na mangyayari yun.
Sabi nga lahat ng nangyayari sa ating buhay, may dahilan.
Kailangan nating gamitan ng logical at intuitive upang pagdugtong dugtongan ang mga pangyayari sa buhay natin. Upang mas maigi nating maintindihan ang mga tanong na bakit at paano..
Nung birthday ko, nakatanggap ako ng regalo. Gold necklace with a mother & child pendant…….my gosh! Bigla kong naiisip, ibig sabihin magkakapamilya na ko? hehehehhe
PS
Buti na lang umulan kagabi…at umaambon-ambon ngayon…..hayyyzzz dina masyadong mainit pakiramdam……
Friday, April 17, 2009
init lang
Marunong makinig sa puso? Eh pano mga bumubulong bulong sa kapaligiran? they just want the best for you. Pero in the end, kailangan mo ring maging maligaya?
ps
mainit, ang iniiiittttt
Wednesday, April 15, 2009
in the silence of my heart
In the silence of my heart I'd listen to my spirit so freely.
It's when my eyes begin to see the old memories so visibly.
In the silence of my heart I could feel my soul so strongly.
In the strong sense of it I recognize the weaknesses of me.
In the silence of my heart stuffs have different meanings.
I'd then realize that I greet in contempt the better things.
In the silence of my heart I can always visit the younger me.
I could honestly tell the far distance between myself and me.
In the silence of my heart I can cry so loud like a tiny babe.
And taste the sweetness of freedom so desired by any slave.
In the silence of my heart on me power and wisdom fall down.
And it transforms my meekness and idiocy into blocks to step on.
In the silence of my heart my many failures would disturb me.
To understand that I am to do better and persistent I must be.
In the silence of my heart my big successes would humble me.
To accept that however the height I fly gravity would pull me.
In the silence of my heart I could rebuke and correct myself.
I can tell me sharp, hurtful words but never will I get upset.
In the silence of my heart I have envisioned the future me.
To meet him finally journey must begin now and so shall it be.
In the stillness of my mind faith overwhelms all my worries.
Be it tribulation or test, no burden is too heavy to carry.
In the quiet of myself unease and hubbub of life is uncovered.
It tells me to be inert at the right time shall effect better.
In the peace of my spirit there is nothing I can fret about.
In the worst of my circumstances seeds of solution will sprout.
In the silence of my heart I acknowledge my conflict with God.
So I am broken, to realize that in such silence nobody is so bad.
p.s
nilikha ng lalaking malapit sa aking puso....(naks naman, oisssttt baka isipin mo totoo kahit totoo huwag mo ng isiping totoo..toink!)
naalala lang kita, kaya ayun repost repost and drama ko weh..kung bakit kita naalala, eh akin na lang yun hahahahhaha,,,anyway nagpadala na ako ng mensahe sa ym mo....kahit saang lupalop gumagala ang kaluluwa mo, i-email kita, i y-ym kita kapag nababaliw na akohhhhhh..hehehhe
Tuesday, April 14, 2009
ako? nagbablog?
may diary ako, hindi kay mara o clara, sa akin talaga iyon. I was in highschool nang mag-umpisa akong magsulat sa notebook. College ako bumuo ng mga tula. May isang notepad akong nasulatan lahat ng papel, and since mom is miles away from us, pinadala ko sa kanya yun, para mabasa nya ang araw araw na kwento ng buhay ko (hayyzz..minsan kasi ang hirap magkwento sa phone kaya ayun pinadala ko journal ko…binasa kaya nya??) nalala ko, may nakitang pira pirasong papel mga kaberks ko sa kwarto ng pinsan ko(nakitulog ako dati sa kanila), laman ng papel ang mga kwentong lihim na pag-ibig. Hayyyzzz..deny aketch. Akala nyo lang ako, pero hindi..hindi, sabay kantang… i swear by the the moon and the stars in the sky and I swear….. At hindi ko alam kung sino, ano, at paano.....anyway,
Blog? Computer? Internet? Hindi malawak ang kaisipan ko sa blog, narinig ko lang minsan isang araw sa aking pagmumuni. At nang maluwag ang schedule ko (tanda ko, wala akong taping sa kapamilya noon..ahihihi toink!) binuksan ko computer at nag sign in sa blogspot. Susyal na ako, hindi lang pang notebook, pang internet pa ang drama ng aking diary..ahihihi
Life blogger ako,,,uu aminado ako. Kasi gusto kong kausap sarili ko weh. Bakit ba? Eh dito ako Masaya eh. Gusto ko istorya ng buhay ko (mababaw man o mababaw)at least it helps lessen the load I carry kapag nagkukwento ako. Marami namang writers,researchers, reporters,at lalu nang maraming politicians dyan. Hayaan ko na silang mamroblema ng bongang bongga sa pinas, sa war, sa global crisis, sa oil price. Don’t get me wrong. Hayyzzz…I do extend a helping hand,,,,,everytime I help, everytime I impart knowledge, binubuhay nya dugo ko and it makes me go hungry for more. Just recently i…ooopppss tsaka na kwento..tapusin ko muna itechi.
I joined a contest sa blog. Nanalo ako, tama nanalo ako ng salapi. Natuwa ako, wow! Biruin mo nakikipaglokohan lang ako,,este nagsusulat lang ako yet may premyo akong matatanggap. PERO (capital letters yan ah, with a capital P) the biggest prize I received ay ang mga taong nakikilala ko sa sa mundo ng blogosperyo. Sa buhay mas gusto natin ang soft and easy road. And when the rough and winding road na ang ating tinatahak, hirap na hirap tayong humakbang. Strangers they may be, dahil sa kanilang mga kwento, dahil sa kanilang mga comment, dahil sa kanilang mga paalala…somehow..somehow it lessen the load we carry..(parang sinabi kona yun ahh,,ahihihi..serious mode daw ba…toink!)
I never thought na mag-eenjoy ako dito...
p.s.
galing ito kay mareng jen. ano ba ang rules? hayyzzzz.....di ko na ipapasa, hamo na. pero parang gusto kong ipasa..hahahaha..ang gulohhh...ano ba talaga lola..uu, ipapasa ko, tutal bagong dating ka, tagal mong nawala, eh nag-alala kami sa iyo,at ngayon ika'y nagbabalik....eto ang salubong ko sa iyo....kafatid na saul ...oisst gawin mo ah
Friday, April 10, 2009
pabasa
ganda ng tunog..uyyy sound
nakakaindak...ang paa ko, ang paa ko hindi mapigilan ang pagpadyak sa kanan, pagkatapos sa kaliwa. ang kamay ay tumaas at nakiayon na rin sa saliw ng musika..
nasa loob pa lang ako ng bahay dinig na dinig kona ang huni ng mambabasa sa pasyon.
pakatapos mamahinga sandali, lumabas ako upang makiisa sa pagbabasa (at pagkanta na rin..kung kanta ngang matatawag iyon)
ibang iba na ang pasyon ngayon. ginamitan na nila ng modernong kagamitan. may dvd player na naka saksak, at instrumental na cd. kung hindi mo kabisado ang mga huni, pwedeng pwede mong sabayan ang tunog sa instrumental cd. o kaya kapag walang tao na gustong magbasa tuwing madaling araw, pwedeng pwede nilang patugtugin ang cd para maging alive pa rin ang kubol at ang pasyon.
katulad ng nakagawian, mga matatanda ang nasa harapan ng altar. alam na namin na ang oras na ipapasa nila sa amin ang mikropono ay sa hating gabi kapag sila ay dalawin na ng antok. ewan ko ba, siguro ang boses namin ang panghele sa kanila o kaya ayaw nilang marinig ang boses namin at mas gugustihin pa nilang matulog. ganupaman, natutuwa ako kapag nagbabasa ng pasyon. noong mas bata pa kami sa edad namin ngayon, isa ang aming barkada sa nakikisalamuha sa mga matatanda at nakikipag unahan sa mikropono. hayyyzzzz...naalala ko tuloy yung mga barkada ko. ngayon, may kanya kanya ng buhay. at ang mga single ladies na lang nakikipagpuyatan sa pagbantay sa kubol...
ngayon ang huling gabi ng pasyon dito sa aming lugar. at tuwing ganito, parang fiesta ang handaan. kung kaya't excited ako, biruin mo kainan na naman ito..hehehe. sabi ko magsasakripisyo ako sa pagkain, ewan ko na lang kung matatanggihan ko ang nakahain na litson mamaya...hayyyyzzzz
Sunday, April 5, 2009
kathang isip
Siguro ang calling ko is to be a nun? Paano ba mag-apply dun?
natawa ba naman itong kaibigan ko ng bigla kong sabihin iyon. Hindi raw ako tatanggapin sa kumbento. baka isuka raw ako, at hindi raw trabaho ang pagiging nun kaya no need to apply.
Nag Highschool and college ako sa paaralang hawak ng mga madre, pero wala yung koneksyon kung bakit naisip kong baka nga iyon ang aking calling.
Bakit ko nga ba naisip na mag madre? (A) dahil single and available ako at hindi ko alam kung hanggang kalian ang Pagiging single ko.( B) dahil gusto kong magbigay ng serbisyo sa mga nangangailangan (C) wala lang, naisip ko lang, nasabi ko lang
Tamang tama, panahon ng kwaresma, panahon ng pagmumuni-muni. More than 3 years na akong hindi nakakauwi ng probinsya para sa pabasa, 3 years of not observing the holy week (pano naman kaya, inuuna pa ang pagbobolakbol)
Mag-iisip ako, mag-ninilay nilay, magmemeditate, magdarasal, mahaba habang bakasyon itoohhhh…
Thursday, April 2, 2009
smiiilleeeeeee!
Kapag nag-iisip ako ng nag-iisip sa mga dapat desisyunan sa buhay ko at buhay ng mga mahal ko, kapag masakit na ulo ko at gusto kong sumigawwwww….
Pupunta ako sa washroom, titingin sa salamin at ngingiti…hindi dahil natatawa ako sa nakikita ko sa salamin (hahahaha) kundi inaalala ko ang mga wrinkles na magmamarka sa aking mukha.
Maraming sakit ang mga lumalabas ngayon, lahat nito may malaking kaugnayan sa stress na nararamdaman ng tao. Stress sa trabaho, pamilya, kaibigan, pati panonood ng tv ….kaka-stress talaga….hayyzzzz
Kung kaya’t nginingitian ko na lang ang stress..alam ko, hindi masosolusyunan ang problema sa isang ngiti, pero hindi rin naman masosolusyunan kapag nagbugnot ako dibah. Kapag nagbugnot ako, maiistress ako, at kapag na-istress ako mas lalong hindi masosolusyunan ang problema, at kapag hindi masolusyunan ang problema, mas malaking problema iyon!,.ahahahahah
Kaya, tawa lang…
Amidst the crisis, amidst the tension….
Ngiti lang, tawa lang…..