Sunday, April 5, 2009

kathang isip

Siguro ang calling ko is to be a nun? Paano ba mag-apply dun?

natawa ba naman itong kaibigan ko ng bigla kong sabihin iyon. Hindi raw ako tatanggapin sa kumbento. baka isuka raw ako, at hindi raw trabaho ang pagiging nun kaya no need to apply.

Nag Highschool and college ako sa paaralang hawak ng mga madre, pero wala yung koneksyon kung bakit naisip kong baka nga iyon ang aking calling.

Bakit ko nga ba naisip na mag madre? (A) dahil single and available ako at hindi ko alam kung hanggang kalian ang Pagiging single ko.( B) dahil gusto kong magbigay ng serbisyo sa mga nangangailangan (C) wala lang, naisip ko lang, nasabi ko lang

Tamang tama, panahon ng kwaresma, panahon ng pagmumuni-muni. More than 3 years na akong hindi nakakauwi ng probinsya para sa pabasa, 3 years of not observing the holy week (pano naman kaya, inuuna pa ang pagbobolakbol)

Mag-iisip ako, mag-ninilay nilay, magmemeditate, magdarasal, mahaba habang bakasyon itoohhhh…

11 comments:

PaJAY said...

ayun o...calling!?...hehe

di na kailangan maging mongha para tumulong....pero kailangan maging mongha kung gusto mong maging single habang buhay..mahirap na sa labas...raming yummy tulad ko.....baka matukso ka...lolz...

hahahaha..naniwala ka naman?!.lolz..

juk lang....

eto lang talaga dapat ang comment ko..

san probinsya mo?..

PaJAY said...
This comment has been removed by a blog administrator.
EǝʞsuǝJ said...

mareeeeeeeee....
ndi mo kailangan magmadre dahil single blessedness ka ngayon...
keep the faith!(gaya ng sbi ni kuya bomzz)...

hehe..

A-Z-3-L said...

hindi basta basta angpagpasok sa kumbento... isipin mong mabuti.

may kilala ako na after years of being in solitude, eh lumabas din dahil hindi talaga para don.

(serious mode ako)
kase naman may ibang ways naman to serve. pero kung feel mo talaga na may "calling" at kung talagang para sayo ang vocation na un, magigising ka na lang isng araw andun ka na!

at kung sakali man.... wag mong isama si Snowy ah... ampunin ko na lang!

pet said...

hija kung ako lang e binata sure ako na niligawan na kita..para di ka na maging madre kase mahirap naman ang madre, aba isipin mo na lang na kahit mainit ang panahon ay nakatalukbong ka pa rin

The Pope said...

This reminds me sa unang interview ko sa seminary for priesthood ang tanung ni Father Rector: "Bakit mo gustong magpari?"

Tugon ko "To give the Holy Sacraments of Christ to my my fellowmen and to spread His "Holy Words".

He commended me, Magaling ka bata, mahusay ka". Sumunod na tanong nya sa akin - "Mabait ka ba?"

I was caught by surprised, I don't know if I say NO, then he will say I am not fit for the seminary, so I say YES Father, mabait po ako".

Biglang sumigaw si Father Rector, "Di ko kailangan ng mabait na bata dito, this is a reformation seminary at walang puwang ang mababait dito sa seminary".

God bless you on this Holy Week.

eds said...

nakow! bolakbol ka pala ha .. hehehe bakit wala bang beach trip jan? hehehe kami wala niyan dito ..

2ngaw said...

Caller : Hello, si madam auring na ba to?

Madam auring : oo, sino ka?

Caller : Hulaan mo, :D

Nyahaha, naalala ko lang...nbasa ko "calling" eh lolzz

Jez said...

PAJAY...uu naman prof, naniniwala akong yummy ka este maraming tukso sa labas

probinsya ko? hehehe, baket?

JEN...mareeeeee..apiirrrr
keep the faith, i will

AZEL...wahhh,,,package deal kami ni snowy. im in, she's in din..whehehe

Jez said...

PAYATOT...yun eh, yun eh...ayaw ko ang fashion nila. hayyzzzzz
sana tinext mo ako nung binata kapa. wehehehe


THE POPE...wahahahah..may nagsabi rin sa akin nun. hindi daw nila kailangan ng mabait..wahahahah

EDS..hayyzzz tita eds, sarap kasi mag road trip eh, sarap mamasyal sa ibang lugar, kaso this holy week uuwi ako sa province namin para dun magstay..

CM...nyahahah.
si madam auring,,,nyahahahah

Marlon Celso said...

nyahahaha porket ba single dapat na maging madre? hehehe ang pagka-single hindi yan kinaiinipan, mamaya niyan magulat ka na lang double ka nah..(teka tama ba iyon) lols!

 
Template by Exotic Mommie