Friday, April 10, 2009

pabasa

ganda ng tunog..uyyy sound
nakakaindak...ang paa ko, ang paa ko hindi mapigilan ang pagpadyak sa kanan, pagkatapos sa kaliwa. ang kamay ay tumaas at nakiayon na rin sa saliw ng musika..
nasa loob pa lang ako ng bahay dinig na dinig kona ang huni ng mambabasa sa pasyon.
pakatapos mamahinga sandali, lumabas ako upang makiisa sa pagbabasa (at pagkanta na rin..kung kanta ngang matatawag iyon)

ibang iba na ang pasyon ngayon. ginamitan na nila ng modernong kagamitan. may dvd player na naka saksak, at instrumental na cd. kung hindi mo kabisado ang mga huni, pwedeng pwede mong sabayan ang tunog sa instrumental cd. o kaya kapag walang tao na gustong magbasa tuwing madaling araw, pwedeng pwede nilang patugtugin ang cd para maging alive pa rin ang kubol at ang pasyon.

katulad ng nakagawian, mga matatanda ang nasa harapan ng altar. alam na namin na ang oras na ipapasa nila sa amin ang mikropono ay sa hating gabi kapag sila ay dalawin na ng antok. ewan ko ba, siguro ang boses namin ang panghele sa kanila o kaya ayaw nilang marinig ang boses namin at mas gugustihin pa nilang matulog. ganupaman, natutuwa ako kapag nagbabasa ng pasyon. noong mas bata pa kami sa edad namin ngayon, isa ang aming barkada sa nakikisalamuha sa mga matatanda at nakikipag unahan sa mikropono. hayyyzzzz...naalala ko tuloy yung mga barkada ko. ngayon, may kanya kanya ng buhay. at ang mga single ladies na lang nakikipagpuyatan sa pagbantay sa kubol...

ngayon ang huling gabi ng pasyon dito sa aming lugar. at tuwing ganito, parang fiesta ang handaan. kung kaya't excited ako, biruin mo kainan na naman ito..hehehe. sabi ko magsasakripisyo ako sa pagkain, ewan ko na lang kung matatanggihan ko ang nakahain na litson mamaya...hayyyyzzzz

6 comments:

Rhodey said...

ibang iba na kung susuriing mabuti sa ngayon ang pagunita sa kamatayan ni Jesus Christ, dati very solemn ang panahong ito, laki kasi ako sa probinsya kayat kitang kita at damang dama ko ang kaibahan.

Pero sana pano mo man ito gunitain alalahanin mo nalang na ang lahat ay para sa pagtubos nang ating mga kasalanan.

Happy Easter...

Jez said...

RHODEY...
wahahaha...ang bilis mo ah.
oo, ito ay napaka solemn at very meaningful sa ating mga katoliko, kun kaya't pumupunta pa rin ako sa kubol upang magbasa ng pasyon. mamaya lang nandun na ako nyan

pet said...

naku sa alagay ko hija, di mo matatanggihan yan dahil noon pa man ay ma_____ ka na dyan sa litson na yan..hahahaha..sakripisyo, e dito nga sa blog di ka nagsakripisyo e kahit mahal na araw nag post ka pa rin..waaaaaa

eds said...

hahaha.. ginawa mo nmang sayawan ang pasyon.. pero ibang-iba na nga ang pasyon ngayon.. nakita ko sa aking TFC eh rap pa ang dating ng ibang pasyon. Pambihira.. Isang araw hindi mo na makikita ag puting belo sa mga matatanda kundi cap na rin , me tatoo at rakista.. yeah..

Pero diba hindi nman mahalaga kung ano ang tono at kung ano ang ayos mo basta nakikiayon at nakikisalamuha ka sa kulturang pinoy na kagaya nito at siempre mula sa puso ang pagkanta ng pabasa..

A-Z-3-L said...

mareeee... manyaman ang litson... di mo matatanggihan un! lolz!

wala ako kahapon... kaya kahit anong gising mo di ako magigising!

isa ka rin palang mambabasa ng pasyon... teka kapampangan ba? o tagalog?

Jez said...

AZEL..kapampangan mare.
sarap magbasa,,,

 
Template by Exotic Mommie