Friday, April 24, 2009

si kapatid


ang aming bunso. dahil bunso, may pagka spoiled. Kung anong hingin, madalas pinagbibigyan. Hayaan mo na, madalaas kong marinig sa bibig ng aking inay. Malambing kasi ito eh, joker pa. at sinadsbihan ko ng I love you,,,hahaha..uu ina-I love you ko yan,,,,hug and kiss ko pa….pero ayaw na ayaw nyang naka=akbay ako sa kanya kapag nasa mall kami,,,hehe baka isipin daw ng tao mag un kami,,,nyahahahha…pero ako pilit kong kinukuha ang braso nya,,,,

June 2007 nang sabihan nya kami na pupunta sya sa Qatar para magtrabaho.going 22 ang edad nya nun.. Kasama nya ang pinsan ko na makikipagsapalaran at magpapalipas ng oras. Ayaw kong pumayag, may pangamba at pag-alala kong pinahiwatig yun sa aking magulang. At ganoon din sila. Ang bunso kasi namin hindi pa naranasang magtrabaho. Sa bahay, bihira kong makitang may hawak na tambo at basahan yan para maglinis. Madalas kasama nya mga pinsan at kaibigan. naglalaro sa computer, nagbabasketball, nag-iinuman. Pero mapilit sya, at sa bandang huli napapayag na nya rin kami. para matutunan nya ang buhay, para magmature sya, yan ang dinahilan namin sa aming sarili.

September 2007 ng makaalis sya. hindi sya masyadong nalungkot kasi magkasama sila sa trabaho ng pinsan ko at ng kaibigan nya. Dahil naka 24/7 ang internet connection, madalas din kaming magchat. Pero umuwi ang pinsan ko at kaibigan nya noong November 2008. Naiwan syang mag-isa sa kwarto, mag-isa sa Qatar. Tatapusin daw nya ang 2year contract nya. Matagal pa. kahit anong tingin ang gawin ko sa kalendaryo, matagal pa ang pagtitiis ni brother. noong february tinanong nya ako kung pwede na raw syang umuwi....sinabi ko sa magulang ko,,pumayag naman sila,,ayun na set na namin sa mayo ang uwi nya. kaso, biglang nagbago na naman pasya nya. tatapusin na daw nya contract nya (na namannn..) pero siguro, napapagod na sya doon at na hohomesick na sya.first time nyang magtrabaho at first time nyang malayo sa amin ng matagal....

noong makalawa, nabasa ko message nya, uwi na raw talaga sya...hindi ko pa sya nakakausap pero nag reply ako sa kanya,,,na ayusin na nya mga papeles nya doon at anytime pwede na syang bumalik dito sa pinas para makapiling namin.....yun din sabi ko sa text ko kagabi...ayun nag reply na naman na hindi daw sya uuwi...
ang gulo nyah...

tuwing napapagod sya sa trabaho, tuwing namimiss na nya kami, binibigkas nya ang katagang..gusto ko ng umuwi...siguro sa puso nya, gusto na nya talagang umuwi, kaso nag titiis lang. si kapatid...nananabik na rin akong mayakap sya. pero proud ako dun, kasi nakayanan nya at kinakaya nya.

8 comments:

pet said...

buti kamo may 24/7 sya dun dahil kung wala lagot na sigurado pauwi yon...

poging (ilo)CANO said...

sa una, mahirap talagang mapag-isa lalo na kung malayo sa pamilya..sinabi ko na rin yan dati sa sarili ko..na bukas uuwi na ako...pero hangang ngayon nandito pa ako....

homesick lang xa, makaka adjust din kapatid mo...

kapit bansa ko pala kapatid mo..45mins lang biyahe by plane. pero kung maglalakad ka...wag na lang...lolz..

saul krisna said...

hanga ako sa kapatid mo sis... ako takot akong mapag isa eh... hahahaha may tawag ba dun sa phobia na yun

eds said...

hmmm.. nag-mature ng nga ang kpatid mo Jez.. ganyan din kasi ako gusto ko umuwi pero pag naiisip ko na maiiwan ko si habibi eh nagbabago ang pasya ko.

in his case gusto nia umuwi pero baka iniisip nia na makaipon muna para me pang treat sau sa mall hehe.. joke lang .. Pero ikaw Jez pag nalau ka sa family mo baka maranasan mo rin yan.. maiipit ka sa oo at hindi hehe.. kasi nga kelangan mong timbangin kung saan ang mas praktikal di ba? naiisip nia siguro pag umuwi sia ano ang gagawin nia? at least dun me trabaho at me sahod sia kaya hihintayin na lang nia matapos ang contract nia di a?

Jez said...

PAYATOT...buti kamo. pagdating nya dun, bumili kaagad sya ng laptop nya, kaso makaraan ang isang taon binenta na nya...hayzz buti na lang may text..kaso ang mahal ng text, ang mahal pa ng tawag...susme...
pero anytime naman pwede nya kaming i-chat eh

POGI este HUNK pala.....para ngang gusto ko ng liparin mula pinas papunta dun eh....oo nga noh, kung kaya doon na lang ako magbakasyon?hhmmnnn


TITA EDS...hayyy maiisip ko lang na malayo ako sa pamilya ko eh, umaayaw na ako. parang diko carry..gusto ko kasi nakikita ko sila para at peace ako sa kalagayan nila,,,hehe pano na ito nyan, kaopag nag-asawa ako, gusto ko kasama ko pa rin mommy and daddy ko,,hehehe

A-Z-3-L said...

suportahan mo lng sya sa desisyon nya...

i know how it feels.. gustong umuwe.. pero hindi pa panahon.

mahirap... pero may mga pangarap na kelangang abutin... alam naman nyang anjan lang kayo at naghihintay. suporta lang at love ang kelangan nya...

Roland said...

hmmm, kakalungkot naman.

theres no place like home
pero sandaling panahon na lang, 2007 sha umalis
so meaning bago matapos ang taong ito, end of contract nya na
if i were to ask, i suggest na tapusin nya na lang ang contract nya
magiging magandang "record" nya yun
na magagamit nya in his future endeavors.

cheers!!!

Roland said...

in fernez, cute si bro
kamukha ni sister! nyahahahaha

sipsip!!

 
Template by Exotic Mommie