Sunday, June 7, 2009

si cj


naalala ko, tuwing nakikita ko siya sa daan, sinisigaw ko ang pangalan nya sabay lapit sa kanya at ikikiss sa cheek at ihuhug ko. bata pa sya noon, nasa elementarya pa, ako nasa high school (oh, huwag mag-isip ng malisya) mga kaibigan ko ang mga kapatid nya. malimit akong umuwi ng probinsya pero naglalakad man sya, nakasakay sa motor basta makita sya ng dalawang mata ko isisigaw at isisigaw ko pangalan nya..cjjjjjjj...lingon sya sakin at bibigyan ako ng isang ngiti.
nakasanayan ko na iyon, kaya kahit ngayon medyo nadagdagan na ang edad ko at edad nya, ginagawa ko pa rin.

nagkita kami noong sabado ng gabi. nagtatampo daw sa akin. una, hindi ko maintidihan pero habang sinasambit nya ang rason kung bakit, doon lang naging malinaw sa akin ang lahat. may 31, 2009 nagcelebrate sya ng kanyang 20th birthday. at dahil every year binabati ko sya, at dahil naging malapit ako sa kanya, ninais nyang i-celebrate yon na kasama ako. inabangan daw nya ako, kung kaya't nang makita ako dali dali binigkas nya pangalan ko pero walang ingay na lumabas sa kanyang bibig dahil napansin nyang nakabihis ako at dali dali ding sumakay ng tricycle. nalungkot daw sya at nanghinayang. gusto pa naman daw nyang makilala ko ang kanyang girlfriend, gusto nyang maging saksi ako sa kung ano man kahihitnan ng kanilang relasyon.

ang pagsigaw ko sa pangalan nya tuwing nakikita ko sya, ang paghalik sa pisngi at paghug ko sa kanya ay hindi lang isang gesture or isang hobby ko bagkus isang paalala sa kanya na mahal ko sya na parang isang bunsong kapatid. siguro, ganoon din nararamdaman nya kaya ganoon na lamang ang paulit ulit nyang pagsambit na nagtatampo sya sa akin.

si cj, belated happy birthday sa iyo. bawi ako next year.
remember sabi ko..bata kapa, take time okay sa alright!

6 comments:

payatot said...

hmmmm, ehem, ehem ulit....wahahahaha..wari pa ito, oi alam ko na yan! joke lang pero sayang naman at ganun pala dahilan nya kaya nagtampo akala ko ikaw ang gusto nya i-date..hehehehe...joke ulit ha, malay mo baka sakali, ay ano ba yan nadadala ako sa post mo..babay na nga...

poging (ilo)CANO said...

hahaha...

happi bday cj...nagpa canton ba xa?..heheh

EǝʞsuǝJ said...

hehehe

happy beerday kay cj...
naks naman mare
ang sweetness mo naman dito sa batang ito..
hehehe....

tonio said...

wow naman tats naman ako dun...

happy bday cjjjjjj!!!

jodi said...

akala ko si cj na nga yun pala mali ako kase pren mo lang pala sya or brod

Nobe said...

ang sweet naman nito. :)

love,
nobe

www.deariago.com
www.iamnobe.wordpress.com

 
Template by Exotic Mommie