Monday, February 23, 2009

colorless

Jez, are you pregnant?
Ahhhhh? Whhhaatttt?
What made you say that? I asked.
Naman! Nagulat tlga ako dun ng bongang bonga. Buntis daw ako?? Eh, member kaya ako ng single blessedness (dba, mareng jen)
Ang putla mo kasi, she answered.
Omg! really I am? Oo…

Kanina umaga, paggising ko ako ay muntik ng mabuwal. Ako ma’y nagulat.
Umupo ako at sinariwa ang nakaraang pinaggagawa ko sa buhay.
At aking napagtanto…..

Una. May lagnat ako noong nakaraan lingo. Ganunpaman, pumapasok ako sa opisina. Naisip ko kasi, lalo lang akong magkakasakit sa kakaupo at kakahiga sa bahay (alam ko, matigas ulo ko..ukie)

Pangalawa. Wala akong exercise. Dahil ako nga ay may sakit, hindi muna ako pumunta sa gym (tsk, lugi na naman ako)

Pangatlo. Ang dami kong binayaran na expenses. Na stress at na drain na savings ko, kaya mega super tipid muna ako. aaaahhhhhhh (ayy hindi pala, ayaw kong sinasabi na wala akong pera, or drain ako, baka kasi magkatoto eh)

Pang-apat: dahil sa puyat. Ka-adik nga naman kasi ang mundo dito. Pero maaga akong natulog kagabi ah, (12:30mn)

Pang-lima: Kahapon,dahil may okasyon sa bahay (unang berthday ni pamangkin) at nagging busy ako, mantakin mo bang nakalimutan kong kumain ng breakfast, lunch, merienda. At 10:00 ng gabi ng ako’y kumain ng dinner…hayyyyzzzzzz

Tapos, kaninang umaga, medyo nagkaroon ako ng error sa addition at subtraction ng mga numero. Medyo lang naman, kaso para sa boss ko malaki yun sympre....hehehe. kaya ayun, what do you expect, edi pinagalitan ako. Ang sabi “I don’t want this to happen again” ooohhhh noooo.

Kaya siguro lalo akong namutla….

9 comments:

payatot said...

alam mo, kaka stress talaga buhay lalo na yun pangatlo na dahilan mo di ba..ang hirap ata malagasan ng pera dahil sa mga bayarin ano? mag vitamins ka hija at baka kung ano na yan ha..ingat..oi, add na kita sa blog roll ko kaya add mo na rin ako ha..

Amorgatory said...

chill out and get some rest sistah!muahugs

Lord CM said...

Hehehe :D Pahinga muna jez at baka kung san pa umabot yan...mamaya nyan ang tanong na sayo eh "Nanganak ka ba?" lolzz

A-Z-E-L said...

kung sa accounts ka... at nagkamali ka ng calculation... malamang mamumutla ka nga.

magpahiga ka naman.. baka kaya nagkakamali na kase pagod na talaga...

get well soon... btw, RU preggy?
peace out! mareeeee

~yAnaH~ said...

sobrang pagod at puyat na yan..
pahinga ang katapat nyan.,..

Jez said...

@payatot...nagvivitamins na po ako iho.oi, na add na kaya kita sa blogroll ko noon pa nung una tayong magtagpo.heheheh...tnx ah.

Jez said...

@LAHAT....salamat sa concern. nakapagpahinga na ako. hehehehe. pwede na akong maglalakad lakad ulit sa mga tahanan nyo.

RJ said...

Hahaha! Nagkataon ding magkapareho ang mga sintomas ng paglilihi at ng stress. Whew! o",)

Pahinga muna, pati sa pagba-blog pahinga rin muna. U

Jez said...

@RJ...Waaahhhh..ayaw kong magpahinga sa blog kasi patuloy na dumadaloy ang emosyon sa tahimik kong mundo baka lalo akong mabaliwwww...heheheh

 
Template by Exotic Mommie