ngayon ang huling araw ng aking kasambahay. isang taon at isang buwan ko rin syang nakasama. naging magaan ang pakikitungo ko sa buhay ng dahil sa kanya. ang busy-busy(h)an kong buhay ay naging maluwag. nabigyan ko ng panahon ang aking trabaho sa opisina, ang aking sarili, ang aking mga kaibigan at ang aking pamilya.
umaalis ako at dumarating ng bahay na kampanteng may pagkain sa mesa, nalabhan ang aking mga damit, malinis ang aking kwarto at higit sa lahat may nag-aalaga sa aking mahal na aso.
ngayon sya'y lilisan na, nag-iisip na akong stratehiya kung paano pagkakasyahin ang oras sa mga gawain. nagtatrabaho ako mula lunes hanggang sabado, umaga hanggang hapon. pagka-gabi pumupunta ko sa gym, minsan gabi kung makipagkita ang aking mga kaibigan sa kadahilanang pare-parehas na may trabaho. tuwing linggo kailangan kong umuwi ng probinsya upang makipaglaro sa aking kaisa-isang pamangkin at upang gampanan ang obligasyon ko sa aking ka-organisasyon.
Napakahirap pa namang maglinis, magluto, maglaba, mamlantsa at mag-alaga ng aso…kung dati nakaya kong lahat iyon ng wala akong kasambahay, siguro naman magagawa ko ulit yun.
Hayyyy buhhhaayyyy…affected kasi ng krisis eh, kaya kailangang magbawas ng gastos. Huh!
SONA, PHILHEALTH AT OFW
12 years ago
2 comments:
pede ako mag apply? lol's
seryuslay...
if youve done it before na wala siya... magagawa mo pa rin yan.. just take your time.. one step at a time... parang nag gi gym lang yan..
kapag nag-apply ka baka magalit father ko..hehehe
yeah, i can do this! yes i can! kaya ko to...un na lang pangpalakas ng loob ko.
thanks
Post a Comment