Tuesday, February 24, 2009

he's just not that into you

Madami ang cast. Apat na babae, apat na lalaki. Mapapa hayyyyyyy at ohhhh my gossssh! At he’s so sweet ka naman. Light and A feel good movie. Since madami ang cast, umikot ang istorya sa kanila kaya ang exposure nila ay very limited.

Pinakita kung paano makipag converse ang lalaki sa girl and how love happen in an unexpected time. Hindi ito maipipilit at hindi rin pwedeng madaliin
Walang rules pagdating sa love pero may mga clues, and this would be of assistance para sa course of action mo.

Pero sa totoo lang, Malabo pa rin kahit ang mga clues. OO, tumatawag ka. Nag-uusap tayo. Lumalabas tayo. Nag chachat tayo. Pero pagkatapos ano? Hindi ako naniniwala sa MU. Yung tinatawag nilang May Unawaan, kasi assuming ka lang dun eh, kasi sa MU- May Umaasa,at may Malabong Usapan (not to mention may Malaswang Ugnayan)

Have you watch ung movie na Serendipity? Siguro if you really meant for each other, the universe will conspire to make it happen, para magkita kayo and fall in love.

Eto lang masasabi ko (kahit marami na akong nasabi): Be yourself. No pretentions. The guy/girl would accept and love you for who you are. And he will make a way kung gusto ka nyang makita or makausap. Wish ko lang,1-2 yrs ago ko napanood ang movie na ito so I would have known kung ano ang ginawa ko,…..sana, now everything is what if…

I haven’t found my prince charming and I don’t know how close I am in finding him. For now, ako muna si Gigi just like in the movie, who was very hopeful, confident and positive about having a relationship. And who tries to understand the signs and clues circling around

Or ako muna si Anna (played by scarlett johansson)– single, flirt, hot and sexy!!!! hahahahaha

8 comments:

Mike Avenue said...

Ang lahat ng kaldero ay may katapat na takip.

Maaaring hindi mo pa nakakatagpo ang iyong takip kung kaldero ka man o hindi mo pa nakakatagpo ang kaldero mo kung takip ka man.

Sa ganitong kalagayan, kaldero ka man o takip, pasasaan bat makikita mo rin ang iyong hinahanap.

Pag-ibig na hinahap hindi dumarating, pag-ibig na dumarating hindi naman hinahanap, ganyan ang pag-ibig, sala sa init, sala sa lamig!

Ang pagpapanggap ay kasing likot at sa kamalayan ay magiging isang laro na katulad lamang ng bahay-bahayan.

A-Z-E-L said...

remember this line from the movie:

"If you can find him,then he can find you. If he wants to find you, he will. "

gusto ko sanang dugtungan... AND IF YOU WANT TO FIND HIM... YOU WILL!

appear mare! keep the faith!

payatot said...

jez, hija..
ang masasabi ko lang e akala ko tru to layp ang istorya mo, yun pala e mubi na noon mo pa napanood..

wala rin akong paniwala sa MU na yan kase paasahin ka lang nyan tapos mauuwi rin lang sa wala..

wag kang mag alala kase matatagpuan mo rin sya in god's time, maaaring di pa nga lang ngayon but darating din yung panahon na kikiligin ka na dahil andyan na sya...

ok ba sayo yan jez, hija? ingat lagi at tatandaan na wag maghintay dahil darating ang tamang guy para sayo..bye...

_ice_ said...

serendipity isa sa pinaka fave ko na movie..

the best thing that ever happend in our live is accident, di mo alam love na pala.. just like the movie serendipity...

musta na sis

Jez said...

@mike avenue...paano kung ang hinahanap ko eh hindi kaldero at takip kundi laman ng kaldero?

@azel..apir!!! i will..hehehe

@payatot....OO iho, tatandaan ko yan. excited naman akong kiligin. hahahah....tagal ko ng hindi nararamdaman yun ah. oh well, hindi naman ako nagmamadali eh. i enjoy kung ano man status ko sa buhay ngayon. and besides, nandyan naman ang mahal kong aso para aliwin ako eh...heheheheh

@ice..hey bro. life is full of surprises! sabi nga nila.
pero depende sa accident yun ah, hindi lahat best thing

Pinoy Blog ni Mike Avenue said...

Jez: "paano kung ang hinahanap ko eh hindi kaldero at takip kundi laman ng kaldero?"

Mike: Ikaw ang maglalagay ng laman sa kalderong may takip. Walang ibang makaka-provide nun kundi ikaw.

Jez said...

Mike: o cge sinabi mo eh. wala akong ma say...maghihintay na lang ako sa itinakdang araw ng kanyang pagdating

batang narS said...

hahhah.naintriga tuloy ako sa movie..panonoorin nga:)

 
Template by Exotic Mommie