Tuesday, September 9, 2008

ang apat na koreano

sumakay ako ng jeep, ng mapansin ko ang apat na kalalakihan sa harapan ko. mga koreano. ng magsalita ang nasa harapan ko "isnt this a great eperience" ewan kung anong ibig nyang sabihin. pero nag isip ako. malamang first time nilang mag jeep kasi sabi nung mas matanda ang itsura sa kanilang lahat "no taxi, no taxi" at tumawa silang apat. o kaya first time mabasa sa ulan kasi mukhang tuwang tuwa talaga. ang saya saya ng mga mukha nila.

nagtanong ang isang lalaki (ung pinaka matanda ang itsura) sa katabi, "excuse me, you know where kowloon is?" sagot naman ni ale "on the right side, infront of starbucks" mukhang lalo atang naguluhan si pinaka matandang itsura sa kanila. kasi umiling sya sabay sabing "i dont know starbucks". ng magbayad na sila tinanong nung pinaka batang itsura sa kanila "how much is the fare" sabi ko 8:50pesos per head. "eight hundred fifty pesos?" ulit ni pinaka matanda ang itsura sa kanila....hayyyzzz,,,,,8pesos & 50 centavos ulit ko.

pero si pinaka matanda ang itsura sa kanila, hindi pa rin mapakali. lahat na ata ng sakay sa jeep tinanong kung malapit na ba kowloon, saan ang kowloon.
tapos sabi nya "where the former president house". medyo makulit sya ah. kasi si kuya na katabi ko sinabi na sa kanila na "ill let you know if we're in kowloon" tanong pa rin ng tanong si pinakamatanda ang itsura sa kanila. hayyyzzz.....

So, nakialam na ako.
"im going on the same direction as you are. ill show you the street where former president lives"
okei, okei sabay sabay nilang sabi.

so, ayun, sabay sabay kaming bumaba sa jeep.
siguro si kuya na pinakamatanda ang itsura sa kanila realized na nasa tamang lugar sya, tuwang tuwang sabi "right, right, this is it. thank you, thank you" "i live here" thank you, thank you"......

1 comments:

ice said...

mga koreano.. PABU.. hahaha

ginawa ka pang tourist guide.. y not dba.. tsaka isn't this a great experience for you??

natatawa naman...

cge ingat lagi pasyal ka namn sa blog ko..im begging.. hahahaha

 
Template by Exotic Mommie