Tuesday, November 24, 2009

i miss this




i miss my mom.
i miss her baked lasagna.
i miss her tinola.
i miss her touch.
seven years of not having her by my side...
many sleepless nights and only her voice could calm me..
then i'll be fine..
if God permit, I'll be seeing her next year..


i miss my snowy.
oopss, she's not a person though.
but i miss taking her to the vet...
i miss walking her to the park...
if only i have more spare time...
on monday is holiday, perhaps then...
if i permit, just like old times...


okei, i'm thinking of him..
but i don't miss him..
him, whose laugh linger on my mind..
could that be possible?


I GUESS..
NOT....
YES...
sometimes i just feel lonely
sometimes i just want to be
with someone who appreciates me

Saturday, September 26, 2009

when nature strikes

kailan ba ako na stranded sa baha at traffic...
una - noong ginagawa ang nlex. pauwi ako ng probinsya noon. from north edsa hanggang balintawak, 5 hours ang byahe. kung makikipagkarera ang pagong sa bus na sinasakyan ko, pupusta ako mauuna pa syang makakarating sa finish line. ang tindi ng traffic, bumaha sa expressway dahil noong panahon na iyon eh under rennovation ito. so i decided na bumalik sa opisina at doon na lang matulog.

pangalawa - hindi ako taga manila, hindi ako nag-aral sa ust, feu o ue, pero naranasan ko ng maglakad mula ust hanggang rotonda na ang baha eh lagpas sa tuhod. takot na takot at nanginginig ako noon. it was my first time, tsaka hindi ako sanay sa lugar.

pangatlo - eto, si bagyong ondoy.noong una hindi ako makapaniwala kapag kinukwento ng mga kaopisina ko na lagpas tao daw ang tubig sa ibang lansangan. napaka exagge naman ng kwento sambit ko sa kanila. pero, magmula opisina, kitang kita namin ang not moving na mga sasakyan sa daan. bus, truck, kotse... lahat walang magawa kundi maghintay na magsubside ang tubig baha. dahil tapat lang ng opisina ang mall, we decided na magpalipas oras doon. pagdating doon ang daming tao sa labas - nakaupo, nakatayo, nakahiga, babae, lalaki, pamilya, magbabarkada..lahat stranded at kabilang kami doon. kaibahan lang sa kanila, bumalik kami ng opisina dahil doon may pagkain, upuan, higaan, airconditioned, at may wash room.

sabi ng kasama ko "may sasakyan tayo, may pera tayo pero hindi tayo makauwi. wala tayong magawa"

totoo, pagdating sa ganitong mga sitwasyon, mayaman ka man o mahirap wala kang magawa when nature strikes. sa tv pinapakita kung gaano kataas ang tubig baha. ang iba sa bubong na bahay na sila nagstay dahil umabot na hanggang second floor ang tubig. makati, quezon city, manila, pasig, marikina, rizal...walang ligtas sa tubig baha. 1st floor, second floor or third floor man yang bahay nyo, inabot pa rin ng baha.

isang buwan na konsumo daw ng ulan ang binuhos ni ondoy ayon sa pag-asa. napakalakas nya, ang dami nyang baon na tubig. hindi ba nya alam na sobra sobra na tayo sa tubig baha...i feel blessed dahil walang baha sa lugar namin, pero sobrang depressing ang napapanood kong balita sa tv, oh ondoy!

sabi nga after the storm there's a rainbow, and the sun will shine again..
may it shine so bright tomorrow..

Friday, September 4, 2009

it was a dream

It was easy to tell, I’m not a swimmer. My hand grasp firmly on each edge of the pool. My body soaked in the warm liquid and I let my feet enjoy the movement of the water.

I looked down and see how pure and clear the water is. From my position, I could vividly see how deep it was too. Oh inviting, slowly I moved my body, in its own modest way embracing the stillness the water offer.

I’m in control I thought, but it was also that moment that I realized my hands bit by bit is slipping away. “I can’t swim, I will be drowned” i told myself.
No one is prepared, no one see the vision. I tried to hold on tightly but my body made no move. Through my feet, I tried to reach the bottom of the pool, but I forgot that the water is as deep as the ocean.

Help, I shouted but no one is hearing me. I would die, and it’s unavoidable echoed in my mind. Soon, my body was quickly but smoothly moving down....down...but amidst the incidence I felt peace and quiet.

And so I took advantage of the calm to think and ponder all the blessings that God has bestowed on me, for all the teachings He thought and for the opportunity to experience life. I’ve seen & heard it all with perfect clarity as I utter…”Lord take me in, I’m ready to die”

Then, I woke up...

Saturday, August 29, 2009

status

One day, as I was browsing my fb account I decided to changed my status into a in a relationship. Soon, friends commented and asked me to fill in the missing story. I was quiet about it and never did I express any details on how, why, where and when. He is my first bf, so I guess it stir eagerness in them to meet him.

The chitchat vastly spread among my relatives too. Whenever I speak with them, they would begin and end our conversation on giving me advices about this relationship. I’ve mentioned him to my mom and dad. Yes, just mention. Then, what makes me hold back in introducing him to my family? I should know, of course. There are some issues that needs to elucidate, some information that needs to refine. The relationship started so fast, and so some process where put behind. But the fact that I feel bothered means that something is wrong………

Then what makes me hang on this complicated relationship? Do I sympathize with him, or was just I’m too thrilled by the attention he gives? I let the bold me cross the threshold……but I should also let the bold me discern if God will delight in me..

Wednesday, July 29, 2009

kailangan lang ng break

this past few days i've been very busy doing office work and organizing an event. and that situation inhibit me from doing my usual life routine - gym, movies, dining out, coffee, family, friends. so when friends and family asked me "why are you not responding to my text messages, have you received any" "aren't you coming home?" my one and only answer i give them is that "i'm busy"

im busy,,,,
i just wanted to be alone and think and ponder....
and when im back to my self ill be home soon....

busy for what? i sometimes question myself. i believe that there is time for everything. and time God has given us should be used fruitfully and accordingly. then why am i acting as if i don't know that.

or is it just an excuse to put behind some worries and focused on what makes you feel good or what makes you at a distance. that there's so much going on in your mind that cannot handle another burn out. or is it an excuse to hide your weaknesses? another task is in your hand that you are anxious you might not be an efficient leader.

"whats our plan? arent we supposed to do this? we need an activity." i recall telling this to my brother in christ, now that they have offered me to lead parang natakot ako sa responsibilidad. this are houses to build, kids to teach, and a community to recreate.


on saturday would be our first activity. we will paint the wall and play with the kids, i am excited but my heart still beat in a high-speed.

"my child, it's not your duty to change the world. you are my instrument, just plant and plant and continue to plant the faith....and i'll do the rest" i hear you Lord.




sabi nga sa commercial ni pareng robin padilla, kailangan lang ng break para mapansin. haiisttt..tugma ba?

Monday, July 6, 2009

princess diary

Women are special.



They long to be loved,
they long to be romanced,
they long to be rescued,
they long to be pursued,
they long to be beautiful,
and they long to be needed



I am a woman

Monday, June 29, 2009

reduce stress

it's been what, 3 weeks? but i still can't get over you. everytime na naiisip kita, minsan napapaiyak pa rin ako. huh! im sure nakangiti ka habang nakatingin ka sa amin noh..parang nakikita ko na dimple mo...natatawa ka siguro noh!?

funny, hindi ako makatulog mag isa sa room ko. hindi ako makatulog sa lights off. pero minsan im whispering na sana dumalaw ka sa panaginip ko, na sana yakapin mo ako ng mahighpit...pero joke lang yun, kaya huwag mong seryosohin ah...
i know you're your at peace nah.

dont worry, im better now compare during the first week. alam ko, gusto mo laging happy dibah. soon, i will realized completely why your life has to be sacrificed. i dont want to force myself, kasi it will haunt me parin eh...
"midinan ya ring mayap a oras" sabi mu pin....

*****************************************************************************

listed below are guidelines para maging smooth ang paghinga natin..hehehe..actually, alam na natin ang mga ito, but sometimes kailangan katukin at i remind ang ating isip at puso...so here they are:

1. Pray.
2. Go to bed on time.
3. Get up on time so you can start the day unrushed.
4. Say No to projects that won't fit into your time schedule, or that will compromise your mental health.
5. Delegate tasks to capable others.
6. Simplify and unclutter your life.
7. Less is more.. (Although one is often not enough, two are often too many.)
8. Allow extra time to do things and to get to places.
9. Pace yourself. Spread out big changes and difficult projects over time; don't lump the hard things all together.
10. Take one day at a time.
11. Separate worries from concerns. If a situation is a concern, find out what God would have you do and let go of the anxiety. If you can't do anything about a situation, forget it.
12. Live within your budget; don't use credit cards for ordinary purchases.
13. Have backups; an extra car key in your wallet, an extra house key buried in the garden, extra stamps, etc.
14. K.M.S. (Keep Mouth Shut). This single piece of advice can prevent an enormous amount of trouble.
15. Do something for the Kid in You everyday.
16. Carry a Bible with you to read while waiting in line.
17. Get enough rest.
18. Eat right.
19. Get organized so everything has its place.
20. Listen to a tape while driving that can help improve your quality of life.
21. Write down thoughts and inspirations.
22. Every day, find time to be alone.
23. Having problems? Talk to God on the spot.. Try to nip small problems in the bud. Don't wait until it's time to go to bed to try and pray.
24. Make friends with Godly people.
25. Keep a folder of favorite scriptures on hand.
26. Remember that the shortest bridge between despair and hope is often a good "Thank you Jesus."
27. Laugh.
28. Laugh some more!
29. Take your work seriously, but not yourself at all.
30. Develop a forgiving attitude (most people are doing the best they can).
31. Be kind to unkind people (they probably need it the most).
32. Sit on your ego.
33. Talk less; listen more.
34. Slow down.
35. Remind yourself that you are not the general manager of the universe.
36. Every night before bed, think of one thing you're grateful for that you've never been grateful for before. GOD HAS A WAY OF TURNING THINGS AROUND FOR YOU. "If God is for us, who can be against us?" (Romans 8:31).

Thursday, June 18, 2009

IN PAIN

I went to the gym…my usual routine. 8:30-9:30 combat time! A group exercise where we kick and punch. And yeah, how I enjoy every minute of that exercise. I positioned myself, soon enough we began the exercise. Hindi ko maintindihan ang katawan ko kung bakit at that time wala sa mood. At around 9:10 lumipat ako sa likod, at umupo. May isang lalaki lumapit sa akin “huwag kang umupo, baka mahilo ka” sympre alam ko ang rule na iyon, sus. After a few breath, nag join na ako sa exercise kaso ilang Segundo lang umaalis ako..until I decided na umuwi na. niyaya kona kaibigan ko na umuwi. Habang naglalakad papunta sa locker room, nasambit ko sa aking kaibigan na “its so weird, nag eenjoy ako sa combat, bakit ngayon parang wala ako sa mood. Ive been doing the exercise for almost 2 years na ngayon lang nangyari sa akin ito”. i changed shirt then tumuloy sa grocey para bumili ng ingredients for spaghetti..(hehe I was craving for pasta eh).

As soon as I reached home, pinrepare kona spaghetti. Kahit gabi, talaga naman nagluto ako. I started eating at past 12midnight. Reading the breaking dawn while eating. I look at the clock, 1:30am nah. I should be sleeping by now. So weird. Feeling ko may nakatingin sa akin, feeling ko may dumadaan sa likod ko. Tumitingin ako sa salamin every now and then. So weird. Gusto ko ng matulog pero parang hindi ako inaantok.

The next morning I received two text messages. Hindi ko muna binasa. Sabi ko, mamya na lang kapag nasa taxi na. Pagsakay ko, binuksan ko inbox, then read muna isang message from a friend, then sinunod ko ung isa…..ooohhhh nohhhh…this can’t be sabi ko sa sarili ko. Hindi pwede. I scroll down hoping to read a words saying..no, he’s fine. No, it was not him. I dialed the sender’s number pero di sya sumasagot. Pagdating ko sa office, they confirmed to me what happened. No, can’t be. Until I spoke to a friend, saying he’s gone…………oh my! He is too young. Kasama lang naming sya last Friday..we’re supposed to have breakfast nung Sunday, kaso hindi na ako lumabas. Oh noh!!! noong gabing iyon, noong oras na ako ay nasa gym, same time ng maaksidente sila, ng dalhin sya sa hospital, ng sabihing wala na syang buhay...........

Habang nasa office ako, naiimagine ko face nya. Minsan natutulala ako. Hindi ako makapaniwala, shock till now. Umuwi ako kahapon, mas masakit pala ang makita ka na lying, resting in peace forever. Pinigilan ko ang mga luha, pinigilan kong titigan ka, pero ang damdamin ayaw magsinungaling, unti unti itong bumigay.
Masakit. Biglaan ang pangyayari. Lahat hindi makapaniwala. Maraming mga katanungan. Bakit? Paano? Bakit? kung sana, kung sana? Paulit ulit na bumubulong sa isip at puso. Pero in the end, we need to accept that it happened. That you are now in heaven. it takes time.

We will miss you for sure.
Bye nards.

Sunday, June 7, 2009

si cj


naalala ko, tuwing nakikita ko siya sa daan, sinisigaw ko ang pangalan nya sabay lapit sa kanya at ikikiss sa cheek at ihuhug ko. bata pa sya noon, nasa elementarya pa, ako nasa high school (oh, huwag mag-isip ng malisya) mga kaibigan ko ang mga kapatid nya. malimit akong umuwi ng probinsya pero naglalakad man sya, nakasakay sa motor basta makita sya ng dalawang mata ko isisigaw at isisigaw ko pangalan nya..cjjjjjjj...lingon sya sakin at bibigyan ako ng isang ngiti.
nakasanayan ko na iyon, kaya kahit ngayon medyo nadagdagan na ang edad ko at edad nya, ginagawa ko pa rin.

nagkita kami noong sabado ng gabi. nagtatampo daw sa akin. una, hindi ko maintidihan pero habang sinasambit nya ang rason kung bakit, doon lang naging malinaw sa akin ang lahat. may 31, 2009 nagcelebrate sya ng kanyang 20th birthday. at dahil every year binabati ko sya, at dahil naging malapit ako sa kanya, ninais nyang i-celebrate yon na kasama ako. inabangan daw nya ako, kung kaya't nang makita ako dali dali binigkas nya pangalan ko pero walang ingay na lumabas sa kanyang bibig dahil napansin nyang nakabihis ako at dali dali ding sumakay ng tricycle. nalungkot daw sya at nanghinayang. gusto pa naman daw nyang makilala ko ang kanyang girlfriend, gusto nyang maging saksi ako sa kung ano man kahihitnan ng kanilang relasyon.

ang pagsigaw ko sa pangalan nya tuwing nakikita ko sya, ang paghalik sa pisngi at paghug ko sa kanya ay hindi lang isang gesture or isang hobby ko bagkus isang paalala sa kanya na mahal ko sya na parang isang bunsong kapatid. siguro, ganoon din nararamdaman nya kaya ganoon na lamang ang paulit ulit nyang pagsambit na nagtatampo sya sa akin.

si cj, belated happy birthday sa iyo. bawi ako next year.
remember sabi ko..bata kapa, take time okay sa alright!

Thursday, June 4, 2009

mission: GK

And I always believe that we are here on earth not to live para sa sarili at pamilya lang, but to share to our neighbors to whatever help we can extend. Returning all the blessings that God has given us. A help doesn’t mean financial donation, it could be a simple as following the traffic rules o kaya just doing good deeds. Minsan kasi tayo complain ng complain, but we forgot to ask ourselves..ako ba, ano ba ginagawa ko to make this world a better place to live in.

Kapag may opportunity na pwede akong makatulong especially sa community where I belong, talaga naman….excited ang puso ko.

Together with my fellow sfc – we went to pampanga para magbigay ng munting regalo sa mga batang mag-uumpisa na sa kanilang pag-aaral. Notebook, pad, pencil, ballpen, crayons. It was my second time to be in that place, pero each has different impact in my life. Iba, iba ang pakiramdam kapag nakatulong ka. Helping without expecting anything in return. Minsan iniisip ko kulang pa,,kulang pa ang tulong na binibigay ko,..and I’m yearning for more.

Monday, June 1, 2009

Mood: happy!

Reason: hindi dahil uminom ako ng enervon c na vitamin, hindi rin dahil happee toothpaste ang gamit ko kundi ang puso ko ay tumitibok tibok…..ayyyy,,hindi dahil natagpuan ko na ang aking pag-ibig kundi at long last for 8 years or long pa(!?) I haven’t talk to a friend eh finally the cold war has ended.

Dahil sa mga circumstances na nangyari sa aming paligid, naging mailap kami sa isa’t isa. Pero noong nakaraan gabi, siguro si Lord gusto nang maibsan ang bigat na aking nararamdaman, it was time for us to forget all the bad things happened, time for us to mend the broken heart (naks naman!!!...as if).

Sympre dahil sa sobrang tagal na naming hindi nag-uusap, ayun reminisce kami ng past. 8 years na no talk, omg! Tlga…I didn’t recognize her voice, parang naging mature na, pero soft spoken pa rin. She has one son na, though everybody thinks napag-iwanan na nila ako (eh ok lang, kapag ako nagkaroon ng baby, eh luma na yung baby nila nun…hahahahah).

Hayyyyy……tagal ko ring hinintay na maging malapit kami muli sa isa’t isa. Gosh, I miss her! She is one friend na talagang I cherished. Hindi naman kami actually nag-away, yung mga nakapaligid lang sa amin…hayyy mahabang kwento un, kaya since okei na kami, nevermind na na lang. I know hindi na maibabalik yung dati naming bonding sa isa’t isa pero still, atleast I am at peace na with myself and with her

Lord, thank you! Mmmuuuahhhh!

Saturday, May 9, 2009

gat tag gat

Hello world! Hello phillipines!
Tutal, weekend naman….at pahinga days ko. Iiwan ko sa inyo itong tag na galing kay mareng jen (hirap akong ispelingan pangalan mo mare..actually..heheh). bahala na kayo kung babasahin nyo o hindi...pero kung mahaba naman oras mo, eh sige na basahin mo na...hehehe..sya sya sya….

ten things you wish you could say to 10 different people right now
(don't tell us who it is)
1. " God is good, all the time"
2. “mind your own business”
3. "goodluck"
4. "Minahal mo ba ako?”
5. “magbayad ka ng utang!"
6. "duh! We’re just friends"
7. "it’s alright..no problem"
8.”na naman..ako na lang parati, ako ako ako”
9. “where is my honey pie sugar pie?”
10. “kain tayo”

nine things about yourself:
1. Suplada (hhmmppp)
2. mataray (eh, ano ngayon!?)
3. maingay
4. Tahimik (sympre di naman pwede lagging maingay eh noh)
7.matakaw (habang may pera, kumain ng kumain..)
8.kuripot (global crisis noh)
9. maarte

eight ways to win your heart:
1. Dalhan ako ng paborito kong cake
2. ipagluto ng breakfast
3. talk to me during late nights
4.talk to me during mornings
5. talk to me during afternoon
6. Sabayan mo ako sa pag wowork out
7. linisin ang buong bahay namin
8. Maging thoughtful sa aking magulang…

seven things you want to happen to you before you die:
1. Magka baby….
2. Magka pamilya
3. mabigyan ng bahay at negosyo ang aking pamilya
4 Makabili ng mini coaster…para may service ang mga angkan ko kapag naglalakwatsa

5. malibot lahat ng isla sa pinas kasama ang mommy ko!
6. Makapagpa-aral ng mga bata
7. .makapag volunteer sa ngo

wer na is 6? :D hinahanap ko rin, actually

five turn offs:
1. smoker
2. lasenggo
3. sugarol
4. tahimik
5. marumi

four turn ons:
1. smile
2. Kalog
3. malinis
4. muscles

three smileys that describe your life:
1. :D so blessed I cant contain it, so much I got to give it away
2. :-) life is beautiful
3. :-x less talk, less mistake

two things you wish you never did:
1. Ang balewalahin sya
2. At balewalahin ang sarili ko…duh!?

one confession:
hayyyy..confession…ayaw ko nga baka isumbong nyo pa ako sa daddy ko..hehehhe…

at..ipapasa ko naman it okay…mareng azel, tita eds, stacey



*************************************************************************************

Susunod….haba haba ito, I know. Pero konti na lang, matatapos kana…o sya, pagpatuloy

Mga saksayan sa buhay mo

Jeep-“ma, para po”. Natutuwa ako kapag sumasakay ako ng jeep. Minsan pa nga nagkakasala ako sa pagtingin tingin sa ibat’t ibang mukha sa loob ng jeep. Usually kasi tuwing gabi pauwi sa bahay ko sinasakyan yan eh. Wala ng init, at dina rin halata ang pollution. Madalas na makakasabay mo yung mga galing sa trabaho..malamang kilala na ako ng mga driver at caller dun, kasi lagi at araw araw dun lang me sumasakay

Bus
- I hate buses! Minsan na akong naligaw ng first time kong sumakay ng bus sa metro city. Tsaka ayaw ko yung nakikipagsiksakan sa bus, at yung nakatayo dahil puno na at wala ng maupuan. Tsaka ayaw ko ang amoy ng bus, nahihilo ako.

Bike na de padyak– natumba-tumba muna ako bago ako natutong magbike. Nung bata ako, tinatakas ko pa ito para lang mag-aral kung paano sumampa at pumadyak…heheh

Bike na de motor- tuwing weekend, tuwing umuuwi ako ng probinsya, kasali sa iterinary ko ang sakyan ito. Lalo na kapag gabi, malamig ang simoy ng hanging kapag itinodo to the highest level ang pag arangkada dito. matagal na rin serbisyu nito sa akin, sa amin ng kaibigan ko. Actually, kapag nakaipon ako bibili ako ng isa pa…yung mas malaki,.,.heheheh

Airplane
– first time kong mag Philippine airlines nung nakakuha ako ng free travel sa hongkong galing sa kumpanyang aking pinaglilingkuran. Sympre, exciting ang drama kahit na medyo kabado. At sana marami pa akong travel na gagawin….

Taxi- ahhh…I can’t live without taxi. Every morning yan ang aking sinasakyan papuntang opisina. At yan din ang aking sinasakyan tuwing makikipagkita ako sa mga kaibigan. May mga numbers pa ako ng mga operator, para kapag tinatamad akong lumabas para mag-abang ng taxi, mega call ako….

Kotse ni papang – noong college ako, hatid sundo ako sa kotse ni papang. Nung magtrabaho ako, minsan sumasabay pa ako sa kanya, lalo na kapag wala me pera pang taxi,,nyahahahaha. Pero minsan may nagcomment sa akin…..”kailan namin kaya makikitang ibang lalaki naman ang magsundo at hatid sa iyo at hindi ang papang mo”,,hihihi

Company Service- iba iba kasi eh, kaya no particular car. Iba iba, kaya iba iba rin ang amoy..heheheh. Sinasakyan kapag bumibista sa ibang opisina

Kung umabot ka hanggang dito, ehhh salamay sa pagtyatyaga mo..mabuhay ka!

at..ipapasa ko naman ito,,parehas pa rin kay… mareng azel, tita eds, stacey

Wednesday, May 6, 2009

toli 2

"WHEN I LET GO OF WHAT I AM, I BECOME WHAT I MIGHT BE"...-lao tzu

may pagka wild and adventurous ako...i want to be free! ang drama ko..kaya minsan, natatakot ako sa sarili ko. dahil kapag ginusto kong gawin, magagawa ko...sabagay kapag gusto may paraan, kapag ayaw maraming dahilan.

pero, guided by the values i've learned hindi ako nang-aapak ng tao, hindi ako manggagamit ng kapwa just to satisfy my pleasure. maraming pagkakataon na sinubok ang aking pagkatao. huh! pagkatapos kong itaboy ang isang makamundong bagay, may panibagong alay na pilit na lumalason sa aking natitirang katinuan. pero sympre, sabi nga ng mymp - make your mama proud - alas! ayaw kong umiyak si mommy ng dahil sa kamalian ko..not only her, but my whole family and friends

kaso, may mga decisions ako na i regret...till now. you see, duwag din ako. i have weaknesses too that i do not admit to myself..minsan gusto ko ng i-let go...kaso natatakot ako...

kanina nabasa ko sa post ni cm
Walang masama kung susubukan mo, kahit isang minuto pagbigyan mo ang sarili mong maging masaya...kahit isang segundo lang okey na un.

afterall, i deserve to be happy

Sunday, May 3, 2009

lito

"hindi mo maiintindihan, kasi you never fell in love" sinabi yan sa aking ng isang taong mahal ko...

yes, i admit, okay fine, i was never in a relationship, never in my entire beautiful life! why!? maganda naman ako (ahemm) may magandang kaloonban (aahhemmm.ulit)..may trabaho din...ewan ko...minsan dinadahilan ko because i studied in an exclusive school since highschool till college...pero, hindi eh...dahil ba only girl ako?,,,,,hindi rin....it was a choice...siguro... may mga umaligid, mga vocal sa kanilang nararamdaman. Ngunit, pero wa ko type,,,sori....minsan kasi may mga isinasaalang-alang pa akong nalalaman.... meron naman na ewan ko, hindi ko maintindihan ang estado....


kaya minsan, nalilito ako kung love naba nararamdaman ko o lust lang?

Tuesday, April 28, 2009

pahabol

Hhmmnn……huli na ba ako? Di bale at least nakahabol naman……eto na

8 things i look forward to
1. Matuloy ang aking pagbabakasyon sa Bangkok o kaya sa Vietnam ngayong taon…(syakkksss…sana sana sana sana sana)
2. Makapag enroll na sa driving school (sana sana sana sana…para naman I can stand on my own na…hehehe)
3. matapos na ang mga utang kong binabayaran..hehehe (konti na lang konti na lang)
4. Sana magka boyfriend na ako... (sige na Lord, pagbigyan mo na ako pleeeease..heheheh)
5. Ang sfc anniversary sa aming probinsya…(October yunnn!!)
6. ang gk sympre…sana, sana makasali ako…
7. family outing sa may! Kahit tag-ulan na, oks lang
8. Christmas! Para lahat happy


8 Things i did yesterday:
1. nagbasa ng eclipse (3rd book ng twilight saga)
2. kumain ng yogurt at doughnut
3 nag gym..(duh!)
4. nagcalculate, nagbalanse, nag check
5. nanood ng tv
6. nakipagkulitan kay snowy
7. Nagdasal, nagtanong…
8. nagfacebook, nagblog


8 Things i wish could do:
1.Mag drive na
2.Magbakasyon sa Bangkok!
3.Mag-enroll sa pasukan ng kurso sa edukasyon (uu, I want to teach, I want to teach kids)
4.Makapag bungee jump..hehehe kahit afraid sa heights
5.Makapag donate ng blood sa red cross
6.Volunteer sa gk
7.Ano pa ba…hmmnnn basahin at tapusin lahat ng books ko na dipa nababasa
8.At pumunta sa bansa ni pareng obama para mabisita ang pinaka importatanteng tao sa aking buhay! (pero may swine flu,,pano kaya to)


8 Shows i watch:

1. tayong dalawa
2. may bukas pa
3. snn (ano ba, kailangan din ma update sa showbiz,, hehhehe)
4. E! (kailangan din maki tsismis sa Hollywood)
5. 24 (shettt..bibili talaga ako ng series nito kapag nagka extra money ako)
6. cnn (in fairness…heheheh serious ahh)
7. actually..wala masyado..busy eh
8. wala talaga….busy nga kulet.

Kanino ko ba ipapasa? Ewan ko, wala siguro kasi mukhang nagsawa na kayo sa kakabasa nyan eh. Tagal nang umiikot ngayon lang napasyal sa akin, hehehe…..busy-busyhan ang drama ko weh….hayyzzz…

ps
ahhh..salamat kuya rhodey sa tag mo, in fairness napa isip ako,,.,hehehhe...

Friday, April 24, 2009

si kapatid


ang aming bunso. dahil bunso, may pagka spoiled. Kung anong hingin, madalas pinagbibigyan. Hayaan mo na, madalaas kong marinig sa bibig ng aking inay. Malambing kasi ito eh, joker pa. at sinadsbihan ko ng I love you,,,hahaha..uu ina-I love you ko yan,,,,hug and kiss ko pa….pero ayaw na ayaw nyang naka=akbay ako sa kanya kapag nasa mall kami,,,hehe baka isipin daw ng tao mag un kami,,,nyahahahha…pero ako pilit kong kinukuha ang braso nya,,,,

June 2007 nang sabihan nya kami na pupunta sya sa Qatar para magtrabaho.going 22 ang edad nya nun.. Kasama nya ang pinsan ko na makikipagsapalaran at magpapalipas ng oras. Ayaw kong pumayag, may pangamba at pag-alala kong pinahiwatig yun sa aking magulang. At ganoon din sila. Ang bunso kasi namin hindi pa naranasang magtrabaho. Sa bahay, bihira kong makitang may hawak na tambo at basahan yan para maglinis. Madalas kasama nya mga pinsan at kaibigan. naglalaro sa computer, nagbabasketball, nag-iinuman. Pero mapilit sya, at sa bandang huli napapayag na nya rin kami. para matutunan nya ang buhay, para magmature sya, yan ang dinahilan namin sa aming sarili.

September 2007 ng makaalis sya. hindi sya masyadong nalungkot kasi magkasama sila sa trabaho ng pinsan ko at ng kaibigan nya. Dahil naka 24/7 ang internet connection, madalas din kaming magchat. Pero umuwi ang pinsan ko at kaibigan nya noong November 2008. Naiwan syang mag-isa sa kwarto, mag-isa sa Qatar. Tatapusin daw nya ang 2year contract nya. Matagal pa. kahit anong tingin ang gawin ko sa kalendaryo, matagal pa ang pagtitiis ni brother. noong february tinanong nya ako kung pwede na raw syang umuwi....sinabi ko sa magulang ko,,pumayag naman sila,,ayun na set na namin sa mayo ang uwi nya. kaso, biglang nagbago na naman pasya nya. tatapusin na daw nya contract nya (na namannn..) pero siguro, napapagod na sya doon at na hohomesick na sya.first time nyang magtrabaho at first time nyang malayo sa amin ng matagal....

noong makalawa, nabasa ko message nya, uwi na raw talaga sya...hindi ko pa sya nakakausap pero nag reply ako sa kanya,,,na ayusin na nya mga papeles nya doon at anytime pwede na syang bumalik dito sa pinas para makapiling namin.....yun din sabi ko sa text ko kagabi...ayun nag reply na naman na hindi daw sya uuwi...
ang gulo nyah...

tuwing napapagod sya sa trabaho, tuwing namimiss na nya kami, binibigkas nya ang katagang..gusto ko ng umuwi...siguro sa puso nya, gusto na nya talagang umuwi, kaso nag titiis lang. si kapatid...nananabik na rin akong mayakap sya. pero proud ako dun, kasi nakayanan nya at kinakaya nya.

Thursday, April 23, 2009

pagod lang

I’m tired, so drained. My hands, my eyes, my shoulder, my whole body needs to relax. As soon as I came home from work I lay down my body on my bed and close my eyes. But it wasn’t enough to keep my muscles calm. I’m so tired. I wanted to finish my work to meet deadlines. I’ve finished typing, calculating and balancing one duty awhile ago, though I have to allow my eyes to have a final check tomorrow. I should be resting now, to revive the force for the continuation of my function. But here I am …hahahha im just thinking, perhaps blogging might help my body cheer up..nyahahahha

I actually beg to be excused from an engagement with my friends tonight. I am truly feels so bad for not being present. And possibly they feel bad towards me, I guess for not being there (again!). Yes, it wasn’t the first time I let pass our gathering. I remember, they actually call me “architect” kasi puro daw ako drawing. Pero kasi naman there are times na sobrang pagod na ako at gusto ko na lang magpahinga. Am I bad? I guess next time I would not say yes at once so as they will not expect my present. Anyway, ill meet them on Sunday (hahahahah…inilaan ko na yun…pupunta ako), ill buy them a cake & chocolate na lang para pang suhol sa kanila para di na sila magalit. Hahahha, I guess I’m really bad….

goodnight people!

Wednesday, April 22, 2009

i-kwento, i-kwenta

Fiesta..sunod sunod na. sa aming lugar sa probinsya, pwede ka ng magpatay ng kalan sa dami ng fiesta. Tuwing linggo meron. Masaya iyon, bukod sa sobrang dami ng pagkain na pagpipilian, may mga iba’t ibang pakulo pa na inihanda. May nakita nga akong banner na si angel locsin ang bibisita sa kanila at ipaparada. At narinig ko ang aking lola na tinatanong ang oras nang pagparada sa kanya…balak daw nyang pumunta..ahihiihhi..parang gusto ko rin syang makita para makampante ako kung talagang totoo ang chismis na kahawig ko daw sya…nyahahhaha…o walang kokontra…di nyo pa naman ako nakikita….tsaka malamig ang panahon kaya bawal mag-init…ukies

Sige, tuloy ko na,,,nawala ako ahhh,,ano nga, ayunn fiesta…isa sa pakulo ay ang ms. Gay pageant. Marami akong mga kaibigan na member of the third sex(?). nakakatuwa silang kasama. I always look forward sa araw na kami ay magkikita. Walang dull moment, hayyyyy halakhak ditto, halakhak dyan, halakhak everywhere…nakakatulong sila sa pagkabata ng istura, isip, at puso,,heheh. dahil isa sa kanila eh may lihim akong pagtingin,,naks, crush ko sya, uu..gwapito weh, kamukha ni gabby concepcion...sayang! Tsk..sabi ko sa kanya gagawin kitang lalaki…hahahah…sagutin ba naman akong, sige subukan mo!..hahahhaha..masubok nga...nyaahahaha..anyway, ayun dahil ung crush ko ang nag I-second the motion sa pag-imbita sa akin para manood, hindi sya contestant, magjujudge daw sya ayun sige, punta ako bukas, siguro,,,depende sa panahon, kapag umulan, tatamarin ako. Haba haba kaya ng lalakbayin ko, manggagaling pa ako sa metro city.....sususs...sana umulan para may dahilan akong hindi makarating..hahahahha..bad jez, badddddddd!

************************************************************************************

Pinangako ko na sa sarili ko na hindi na ako magbubukas ng computer sa gabi. At kung magbukas man eh, hanggang 11pm lang dapat,,,dapat! Dahil sa araw araw na pagka adik ko dito weh, ayun langya araw araw late ako sa office. sa bawat minuto eh may bawas yun, susme, sayang yun, pang paparlor ko na kay snowy my baby ko yun..langya. kaya ayun, maaga na akong natutulog. Pero langya, ganun rin pala suma total, maaga man akong matulog late pa rin ako sa office…kung kaya’t aking napagdesisyunan…magbubukas na ako ng computer umaga hapo gabi at madaling araw man…kase parehas din…late pa rin ang bagsak kohhh!!! huhuhuhuhuhu


*************************************************************************************
dami daming awards! nasaan!? ayun oh, tignan nyo na lang sa slide show ko..hahaha tinamaad ng ilagay dito weh....basta taos puso akong nagpapasalamat sa pagtanggap nyo sa akin, sobra, kaya nga nakakaadik dito eh...basta yun na yun, salamat!



p.s.
ng dahil sa ulan, ayunn nilabhan ko ulit yung sinampay ko kahapon. at dahil umulan na naman ngayon, sa malamang sa hindi lalabhan ko na naman mamayang gabi yun...hayyyzzzz nakakapagod ahhhhh! paulit ulit ko ng nilalabhan...sssssuuuusmeeee

Monday, April 20, 2009

lamig na!?

Ang interpretasyon natin sa buhay depende kung paano mo ito I-internalize .

Logical. Ito ay ang mga statements, yung facts. ginamitan ng mga pamamaraan na nakikita, nababasa, naaamoy, naririnig at nalalasahan. madaling maintidihan diba. Kasi common sense. Kitang kita ang ibig ikahulugan. (naalala ko tuloy si pogi – sabi nya di pa raw nya nalasahan ang (ibang) mga blogero..hahahaa... kaya di pa kumpleto facts nya…hahahahaa...pisssss)


Intuitive. Base sa nararamdaman. Sabi nga ni wikepedia intuition has "ability to sense or know immediately without reasoning", and is often regarded as a divine or prophetic power. Katulad ng mother’s instinct. Diba gaano man natin ikubli ang ating panghihina sa mga bagay-bagay, nararamdaman ng inay yun. Isang pangyayari sa buhay ko.for many years, hindi ako naghoholy week sa aming probinsya. Usually, naglalakwatsa ako. Pero nitong nakaraan, hindi ako nagplano, hindi ako nag tawag ng barkada para mag schedule ng lakad. Yun pala, uuwi si daddy sa probinsya. For 8 years, muli syang natulog sa unang bahay na binild up nila ng mommy ko. Sobrang ligaya ko nung araw na un…hehehhe kita mo hanggang ngayon nakangiti ako,.,heheheh…Siguro una palang, naramdaman kona na mangyayari yun.

Sabi nga lahat ng nangyayari sa ating buhay, may dahilan.
Kailangan nating gamitan ng logical at intuitive upang pagdugtong dugtongan ang mga pangyayari sa buhay natin. Upang mas maigi nating maintindihan ang mga tanong na bakit at paano..

Nung birthday ko, nakatanggap ako ng regalo. Gold necklace with a mother & child pendant…….my gosh! Bigla kong naiisip, ibig sabihin magkakapamilya na ko? hehehehhe


PS
Buti na lang umulan kagabi…at umaambon-ambon ngayon…..hayyyzzz dina masyadong mainit pakiramdam……

Friday, April 17, 2009

init lang



Marunong makinig sa puso? Eh pano mga bumubulong bulong sa kapaligiran? they just want the best for you. Pero in the end, kailangan mo ring maging maligaya?

ps
mainit, ang iniiiittttt

Wednesday, April 15, 2009

in the silence of my heart

In the silence of my heart I'd listen to my spirit so freely.
It's when my eyes begin to see the old memories so visibly.
In the silence of my heart I could feel my soul so strongly.
In the strong sense of it I recognize the weaknesses of me.

In the silence of my heart stuffs have different meanings.
I'd then realize that I greet in contempt the better things.
In the silence of my heart I can always visit the younger me.
I could honestly tell the far distance between myself and me.

In the silence of my heart I can cry so loud like a tiny babe.
And taste the sweetness of freedom so desired by any slave.
In the silence of my heart on me power and wisdom fall down.
And it transforms my meekness and idiocy into blocks to step on.

In the silence of my heart my many failures would disturb me.
To understand that I am to do better and persistent I must be.
In the silence of my heart my big successes would humble me.
To accept that however the height I fly gravity would pull me.

In the silence of my heart I could rebuke and correct myself.
I can tell me sharp, hurtful words but never will I get upset.
In the silence of my heart I have envisioned the future me.
To meet him finally journey must begin now and so shall it be.

In the stillness of my mind faith overwhelms all my worries.
Be it tribulation or test, no burden is too heavy to carry.
In the quiet of myself unease and hubbub of life is uncovered.
It tells me to be inert at the right time shall effect better.

In the peace of my spirit there is nothing I can fret about.
In the worst of my circumstances seeds of solution will sprout.
In the silence of my heart I acknowledge my conflict with God.
So I am broken, to realize that in such silence nobody is so bad.

p.s
nilikha ng lalaking malapit sa aking puso....(naks naman, oisssttt baka isipin mo totoo kahit totoo huwag mo ng isiping totoo..toink!)
naalala lang kita, kaya ayun repost repost and drama ko weh..kung bakit kita naalala, eh akin na lang yun hahahahhaha,,,anyway nagpadala na ako ng mensahe sa ym mo....kahit saang lupalop gumagala ang kaluluwa mo, i-email kita, i y-ym kita kapag nababaliw na akohhhhhh..hehehhe

Tuesday, April 14, 2009

ako? nagbablog?

may diary ako, hindi kay mara o clara, sa akin talaga iyon. I was in highschool nang mag-umpisa akong magsulat sa notebook. College ako bumuo ng mga tula. May isang notepad akong nasulatan lahat ng papel, and since mom is miles away from us, pinadala ko sa kanya yun, para mabasa nya ang araw araw na kwento ng buhay ko (hayyzz..minsan kasi ang hirap magkwento sa phone kaya ayun pinadala ko journal ko…binasa kaya nya??) nalala ko, may nakitang pira pirasong papel mga kaberks ko sa kwarto ng pinsan ko(nakitulog ako dati sa kanila), laman ng papel ang mga kwentong lihim na pag-ibig. Hayyyzzz..deny aketch. Akala nyo lang ako, pero hindi..hindi, sabay kantang… i swear by the the moon and the stars in the sky and I swear….. At hindi ko alam kung sino, ano, at paano.....anyway,

Blog? Computer? Internet? Hindi malawak ang kaisipan ko sa blog, narinig ko lang minsan isang araw sa aking pagmumuni. At nang maluwag ang schedule ko (tanda ko, wala akong taping sa kapamilya noon..ahihihi toink!) binuksan ko computer at nag sign in sa blogspot. Susyal na ako, hindi lang pang notebook, pang internet pa ang drama ng aking diary..ahihihi

Life blogger ako,,,uu aminado ako. Kasi gusto kong kausap sarili ko weh. Bakit ba? Eh dito ako Masaya eh. Gusto ko istorya ng buhay ko (mababaw man o mababaw)at least it helps lessen the load I carry kapag nagkukwento ako. Marami namang writers,researchers, reporters,at lalu nang maraming politicians dyan. Hayaan ko na silang mamroblema ng bongang bongga sa pinas, sa war, sa global crisis, sa oil price. Don’t get me wrong. Hayyzzz…I do extend a helping hand,,,,,everytime I help, everytime I impart knowledge, binubuhay nya dugo ko and it makes me go hungry for more. Just recently i…ooopppss tsaka na kwento..tapusin ko muna itechi.

I joined a contest sa blog. Nanalo ako, tama nanalo ako ng salapi. Natuwa ako, wow! Biruin mo nakikipaglokohan lang ako,,este nagsusulat lang ako yet may premyo akong matatanggap. PERO (capital letters yan ah, with a capital P) the biggest prize I received ay ang mga taong nakikilala ko sa sa mundo ng blogosperyo. Sa buhay mas gusto natin ang soft and easy road. And when the rough and winding road na ang ating tinatahak, hirap na hirap tayong humakbang. Strangers they may be, dahil sa kanilang mga kwento, dahil sa kanilang mga comment, dahil sa kanilang mga paalala…somehow..somehow it lessen the load we carry..(parang sinabi kona yun ahh,,ahihihi..serious mode daw ba…toink!)

I never thought na mag-eenjoy ako dito...

p.s.
galing ito kay mareng jen. ano ba ang rules? hayyzzzz.....di ko na ipapasa, hamo na. pero parang gusto kong ipasa..hahahaha..ang gulohhh...ano ba talaga lola..uu, ipapasa ko, tutal bagong dating ka, tagal mong nawala, eh nag-alala kami sa iyo,at ngayon ika'y nagbabalik....eto ang salubong ko sa iyo....kafatid na saul ...oisst gawin mo ah

Friday, April 10, 2009

pabasa

ganda ng tunog..uyyy sound
nakakaindak...ang paa ko, ang paa ko hindi mapigilan ang pagpadyak sa kanan, pagkatapos sa kaliwa. ang kamay ay tumaas at nakiayon na rin sa saliw ng musika..
nasa loob pa lang ako ng bahay dinig na dinig kona ang huni ng mambabasa sa pasyon.
pakatapos mamahinga sandali, lumabas ako upang makiisa sa pagbabasa (at pagkanta na rin..kung kanta ngang matatawag iyon)

ibang iba na ang pasyon ngayon. ginamitan na nila ng modernong kagamitan. may dvd player na naka saksak, at instrumental na cd. kung hindi mo kabisado ang mga huni, pwedeng pwede mong sabayan ang tunog sa instrumental cd. o kaya kapag walang tao na gustong magbasa tuwing madaling araw, pwedeng pwede nilang patugtugin ang cd para maging alive pa rin ang kubol at ang pasyon.

katulad ng nakagawian, mga matatanda ang nasa harapan ng altar. alam na namin na ang oras na ipapasa nila sa amin ang mikropono ay sa hating gabi kapag sila ay dalawin na ng antok. ewan ko ba, siguro ang boses namin ang panghele sa kanila o kaya ayaw nilang marinig ang boses namin at mas gugustihin pa nilang matulog. ganupaman, natutuwa ako kapag nagbabasa ng pasyon. noong mas bata pa kami sa edad namin ngayon, isa ang aming barkada sa nakikisalamuha sa mga matatanda at nakikipag unahan sa mikropono. hayyyzzzz...naalala ko tuloy yung mga barkada ko. ngayon, may kanya kanya ng buhay. at ang mga single ladies na lang nakikipagpuyatan sa pagbantay sa kubol...

ngayon ang huling gabi ng pasyon dito sa aming lugar. at tuwing ganito, parang fiesta ang handaan. kung kaya't excited ako, biruin mo kainan na naman ito..hehehe. sabi ko magsasakripisyo ako sa pagkain, ewan ko na lang kung matatanggihan ko ang nakahain na litson mamaya...hayyyyzzzz

Sunday, April 5, 2009

kathang isip

Siguro ang calling ko is to be a nun? Paano ba mag-apply dun?

natawa ba naman itong kaibigan ko ng bigla kong sabihin iyon. Hindi raw ako tatanggapin sa kumbento. baka isuka raw ako, at hindi raw trabaho ang pagiging nun kaya no need to apply.

Nag Highschool and college ako sa paaralang hawak ng mga madre, pero wala yung koneksyon kung bakit naisip kong baka nga iyon ang aking calling.

Bakit ko nga ba naisip na mag madre? (A) dahil single and available ako at hindi ko alam kung hanggang kalian ang Pagiging single ko.( B) dahil gusto kong magbigay ng serbisyo sa mga nangangailangan (C) wala lang, naisip ko lang, nasabi ko lang

Tamang tama, panahon ng kwaresma, panahon ng pagmumuni-muni. More than 3 years na akong hindi nakakauwi ng probinsya para sa pabasa, 3 years of not observing the holy week (pano naman kaya, inuuna pa ang pagbobolakbol)

Mag-iisip ako, mag-ninilay nilay, magmemeditate, magdarasal, mahaba habang bakasyon itoohhhh…

Thursday, April 2, 2009

smiiilleeeeeee!



Kapag nag-iisip ako ng nag-iisip sa mga dapat desisyunan sa buhay ko at buhay ng mga mahal ko, kapag masakit na ulo ko at gusto kong sumigawwwww….
Pupunta ako sa washroom, titingin sa salamin at ngingiti…hindi dahil natatawa ako sa nakikita ko sa salamin (hahahaha) kundi inaalala ko ang mga wrinkles na magmamarka sa aking mukha.

Maraming sakit ang mga lumalabas ngayon, lahat nito may malaking kaugnayan sa stress na nararamdaman ng tao. Stress sa trabaho, pamilya, kaibigan, pati panonood ng tv ….kaka-stress talaga….hayyzzzz

Kung kaya’t nginingitian ko na lang ang stress..alam ko, hindi masosolusyunan ang problema sa isang ngiti, pero hindi rin naman masosolusyunan kapag nagbugnot ako dibah. Kapag nagbugnot ako, maiistress ako, at kapag na-istress ako mas lalong hindi masosolusyunan ang problema, at kapag hindi masolusyunan ang problema, mas malaking problema iyon!,.ahahahahah

Kaya, tawa lang…
Amidst the crisis, amidst the tension….
Ngiti lang, tawa lang…..

Monday, March 30, 2009

hangover



ang pektyur na ito ay kuha sa hospital. dahil nanganak si cuzz, binisita namin sya sympre. kahit antok na antok pa ako, gumising ako ng napakaaga, makita lang baby nya. si cuzz ang nakaharap sa camera, at yan ang kanyang bed. natutuwa ako, kasi kaparehas ko berthday anak nya, kaya kahit hindi ako maghahanda, may maghahanda na para sa akin...yehey! tipid ito!
anyway, dahil sa sobrang hilo hilo pa ako noong nakaraang gabi, diretso ako sa room nya at tyempong walang tao (dahil lahat sila nasa viewing room) ayun, i lay down my body sa bed at itinulog ko.
dahil hindi ako makabangon, si cuzz walang magawa kundi i-share ang bed nya sa akin, nyahahahah..dumating si doktora in charge para i check up sya, pero hindi ako matinag sa aking pagkakahiga...

akala ko maiiwan ako sa hospital para magpaconfine, buti na lang bumuti-buti ang pakiramdam ko at nakayanan kong maglakad..ahihihihi..

Friday, March 27, 2009

birthdayyy kohhhhhhh



ngayon ang araw ng aking kapanganakan, well, yan ang sabi ng mga magulang ko
at yan din ang nakalahad sa aking birth certificate, so siguro sa malamang
ngayon ang aking kaarawan.

ang bilis ng araw, parang kailan lang ginagawa kong swimming pool ang kalye tuwing
baha days. pumpunta sa mga sari-sari store para bumili ng candy o kaya para mamulot ng balat ng candy kasi yun ang nagsisilbing pera naming mga magkaibigan sa paglalaro. parang kailan lang gamit ang manikang papel, nagluluto-lutuan at nagbahay-bahayan kami.

ngayon, nagsuswimming pa ako (hindi na sa baha sympre),bumibili pa rin ng candy gamit ang totoong pera (as prescribed by the government),marunong na akong magluto, pero kaakibat ng bawat hakbang ko sa buhay, ng bawat decision kong ginagawa ay isang responsobilidad hindi lamang para sa sarili ko maging sa mga mahal ko sa buhay (kasama na rin pati mga kaaway)

wahhhhhhh, ayaw ko ng dramaaaaaa......
sa araw na ito, gusto kong maging maligaya
smile there, smile here, smile evrywhere!!!!
birthhhhdayyyyyyyyyyy kohhhhhhhhhhhh!
may party sa bahay (bukas), punta kayo!
edad ko!? sehkretttttttttttttttttttttttttttttt

Wednesday, March 25, 2009

usapang aso



sabi ni brother, nanaginip daw baby koh kagabi.

ako: (mega ask naman ako) ano panaginip nya?
brother: ewan

si snowy tulog, pikit ang mata pero tumataol at umuungol para daw umiiyak
nilapitan daw nya, at ginising.
nagulat daw baby koh, at parang natawa sa sarili.

ako: hah? bakit mo naman nalaman na natawa sa sarili
brother: kasi nilapitan ako, itinaas ang dalawang paa at nakikipaglaro.

wawah naman baby koh, mukhang naiistress....

Monday, March 23, 2009

kuripts

princess of kuripts..yan ang tawag sa akin ng pinsan ko (kasi ang nanay nya ang queen of kuripts…haha). Kuripts..pinaiksing salita ng kuripot.

magmula sa mga pinsan, to tita’s and tito’s and to lola’s, lahat sila naniniwala na ako ay napakakuripot na tao. Madalas kasi naririnig nila sa aking bibig na “wala akong pera”. Pero kahit anong sabihin ko sa kanila na wala akong pera hindi sila naniniwala.
Isang araw sabi ni tiyo, sa panahon ng krisis ngayon isa lang ang hindi nahihirapan, yung mga SINGLE na walang iniisip na pamilyang pakakanin. Alam ko, ako ang pinariringgan mo, huh!

Paano nga naman sila maniniwalang wala akong pera eh may trabaho ako. May trabaho ang nanay ko, may trabaho ang tatay ko. Ibig sabihin ang kinikita ko ay sa sarili ko lang bulsa napupunta. Nakakakain ako sa mga restaurant, nakakapagbakasyon ako sa ibang bansa, nakakabili ako ng, damit atbpa. Hindi ako mahilig sa gimmick, hindi ako mahilig uminom. Wala rin akong boyfriend na pinagkakagastusan. Mga damit ko, kadalasan bigay lang. Sa pagkain, oo inaamin ko, duo, duon ako mahilig! (hahahaha!) oo nga eh, kahit na ako hindi ako makapaniwala na wala akong pera (hehehe)

Magbibigay ako sa taong alam kong kailangan. Hindi ako ang tipo ng tao na binobrodcast ang mga ginagawa ko. Kung sino ang pinagbibigyan ko at kung sino ang mga tinutulungan ko. Hindi ko rin naman siguro dapat i-explain sa kanila kung saan napupunta ang pera ko dibah.

Dati, maganda ang kita ng magulang ko sa kanilang negosyo. May mga sasakyan kami, may driver kami, may mga bahay at lupain kami. Dahil din doon, maraming kapwa tao ang kumikilala sa amin. Parang ang lahat eh ang bait bait ang pakikitungo. Kaso,nawala ang kinang na aming tinatamasa, kasabay nun nawala din ang mga nagbabait baitang mga kapwa tao sa amin, lalo na sa mga magulang ko. Bagkus, napalitan yun ng pangkukutsa at panlalait.

Kaya siguro ganun na lamang ang higpit ko sa paglabas ng pera. Pero may mga oras din na kinukwestyun ko sarili ko. May pagkakataon na hinahamon ko rin sarili ko, kuripot nga ba ako or wala tlga akong pera?

isang araw nagpunta ako sa parlor para magpa-ayos ng buhok. pina estimate ko muna pagkatapos nakipagtawaran ako(o dibah, hindi lang sa palengke ang tawaran). tapos tinanong ako, ano ba probinsya mo...sabi ko pampanga. eh, alam ko sa mga taga pampanga maluluwag sa pera, bakit ang kuripot mo sabihan ba naman ako ng ganun..hmmppppp...

Tuesday, March 17, 2009

gunting



Yan ang aking my one and only pamangkin, our munting prinsipe. Ang cute cute nya noh. Sympre mana sa tita eh., hehehe. He just celebrated his first birthday last February. Sa sobrang kabisihan nung birthday nya, hindi sya napagupitan ng kanyang magulang. Yun pala, dapat ako daw ang unang gumupit sa mahaba na nyang buhok.

Kung kaya’t nung umuwi ako last week, doon pa lang sya napagupitan.

Tinanong ko kung bakit ako dapat ang unang gumupit sa kanya. Ang sagot nila, kasi daw matalino ako (duhh! matalino man daw ang matsing napaglilinlangan din...toink!)

Para daw lumaki din ang aming munting prinsipe na matalino .
Ahhhh??? Anong koneksyon ng paggupit ko sa mga values na tataglayin ng aming munting prinsepe? Nakukuha ba sa gupit un? nasa klase ba ng gupit at gunting naka base kung tatalino ang aming munting prinsipe? paano kung zigzag, straight, o bagsak ang gupit nya?

Monday, March 16, 2009

dear Lord



Lord, maraming salamat po sa mga kaibigan na pinakilala nyo sa amin. because of them we came to realize and appreciate life twist and turn. lord, meron isang particular na kaibagan akong ililift up sa iyo. si yannah. nakilala ko lang sya dito sa pagbablog ko pero naramdaman ko ang sinseridad at tapang ng loob. lumalapit kami sa inyo po, we pray for a good health, strenght and wisdom as she travel her life. lord, maraming bagay ang gumugulo sa isip nya ngayon. maraming desisyon ang dapat nyang gawin. maraming pagkakataon na sya'y nadapa, pero tumatayo po sya upang lumaban. please hold her tightly oh lord. alam po namin na you know the desire of our heart. lord, ikiclaim na namin na tapos na ang paghihirap nya, na peaceful na ang pakiramdam nya.

God is so good. ang pagmamahal nya sa atin, pinapakita nya sa iba't ibang paraan.
kumapit ka lang yannah. pagkatapos ng lahat ng unos na ito, ngingiti ka at sasabihing, "im glad i've experienced it"

the speak

3 weeks ago, I attended a speaker’s training sa organisayon kung saan ako kabilang. Hindi man ako magaling na manunulat at mananalita, but im holding on to my passion and willingness to help kids, teens and anyone in need. Gusto kong i-share what I have learned sa journey ko sa buhay, baka sakaling may mapulot sila kahit katiting dibah. Bata pa ako pangarap ko ng pumasok sa pulitika. Sabi ko, gusto kong tumulong sa pilipinas. Gusto kong maging bahagi ng pagbabago nito. Kaso, now that I’ve grown up, narealize ko ang hirap pala ng buhay sa pulitika, parang showbiz. Daming intriga. Umalis ako sa showbiz at ayaw ko ng balikan ito (duhh!!! Hahahah As if!!) Pwede naman pala akong tumulong on my own private way without campaigning for a position. Atleast ditto I remain private..hehehe at walang paparazzi na sunod ng sunod.hehehe

Anyway,(back to the training)..we were given a topic tapos tatayo ka in front of an evaluator, in 10 minutes, you have to say your piece. When it was my turn, sympre confident ako, kasi sanay naman akong humarap sa madla. But I was wrong, in the middle of my talk I was grabeh black out. As in. actually, at the start pa lang I am not confident sa sinasabi ko. Ako mismo hindi ko ata maintindihan ang lumalabas sa aking bibig eh. Actually, wala ako sa sariling katinuan ko that time (hahaha…justifying my action,,hahah). pero by heart, I should know the topic kasi un ang ginagawa namin weh. Pero in fairness ah, one week kong inisip yun. One week akong naging matamlay.

Yesterday, I was informed, ill give a talk daw on april to this numbers of teens. pinakita sa akin ang listahan ng mga speakers...uu nga, nandun ang pangalan ko. Hindi naman ako umayaw. Oks lang sa akin. Pero, ngayon pa lang pag-aaralan ko na ang topic ko para hindi na maulit ang nangyari last time.

Saturday, March 14, 2009

hapdi at kirot

Hindi ako nag-iinarte, pero mahapdi talaga mga kamay ko.
Kagabi, umuwi ako ng maaga at naiisipang ibabad sa powder na sabon ang mga lingerie ko (naks, lingerie eh noh, para naman susyal..hahaha) at ang ibang maseselang damit na hindi ko naipadala sa laundry shop.

Nagbasa muna ako ng libro habang naghintay ng ilang minute sa pagkababad ng damit. Ng maramdaman kong gusto ng humiga sa kama ng katawan ko, tumayo na ako at pinagpatuloy ang paglalaba. Kusot dito, kusot here, and kusot everywhere. Dahil rin dun, nagising ang dugo ko kung kaya’t nag mop na rin ako ng kwarto, sala at banyo.
Pagkatapos ng lahat lahat na nagawa ko, natuwa ako kasi feeling fresh ang bahay kung kaya’t ang sarili ko naman ang nilinis ko para makumpleto na ang pagiging fresh..nyahahaha.

Kinabukasan, paggising ko, binasa ang aking mga kama’y doon na…doon ko na naramdaman ang hapdi ng sugat na idinulot ng pagkusot here, pagkusot there, and pagkusot everywhere. Omg tlga! Ang hapdiiii!!

Naalala ko, Friday the 13th kahapon.

Hayyyzzz..dahil sa nangyari, bawal munang
(1)Ipakita at idisplay ang kamay sa public viewing
(2)Makipag holding hands

Sa susunod alam ko na gagawin ko
(1)Magpapalit na ako ng detergent – matapang daw ung gamit ko weh
(2)Magsusuot na ako ng gloves – para isang suntok knock out kaagad ang bacteria (ngek! Parang commercial ata un ni juday)
(3)Maglalaba pa rin ako sa kamay, kasi wala kaming washing machine

Pero, sympre im still thankful dahil may mga kamay akong tumapos sa maruruming damit ko.

Tuesday, March 10, 2009

my gift

Have you ever experience na zero balance kana. I mean, naiiyak kana kasi wala ka ng pera na gagastusin for the next day. That you already used ung nakatabing pera mo. Nakatabi kasi for future use mo iyon. Nagagalit ka sa father mo, kasi dahil mahina ang negosyo at pasok ng pera, ang nakatabing pera mo ang ginagastos ngayon para masustetuhan ang pambayad sa renta, kuryente, grocery, tubig at kung ano ano pa. Not to mention lumaki na rin pati utang mo sa kumpanya, na pinaka-ayaw mong gawin ay ang mangutang. Naiinis ka sa kuya mo dahil wala syang trabaho, winiwish mo na sana magkatrabaho na sya para lumuwag ka sa mga gastusin sa bahay. May trabaho ang bunso at nanay mo, sisusuportahan nila ang isang kapatid na nag-aaral pa at ang pamilya ng kuya mo. Kaya, as much as possible ayaw mong humingi ng financial support sa kanila.

Have you experience na malugi ng 6figure sa isang business. Dugo’t pawis ang pinuhunan mo to come up with that cash, tapos maglalaho lang na parang bula. Worst, yung may utang sa iyo mukhang ayaw ng magbayad. All your text, email and phone calls hindi na sinasagot.

Have you experience meeting your bff (best friend forever!), natapos mo na libro mong binabasa pero wala pa sya. Kinakabahan kana, kasi wala ka ng perang pang-taxi. Kumain kayo sa isang restaurant at isang coffee shop..hati kayo sa bayad sympre. Inabot mo sa waiter ang credit card mo at kinuha sa bff mo ang pera na ibabayad nya para may cash ka sa wallet…atleast may pang taxi kana, may pang laundry pa! yessss.
You cut your expenses sa bahay, wala ka ng katulong. Soon you will be transferring sa mas murang apartment. Grabeh naman kasi, you live in a street ng mga sikat at kilalang tao sa lipunan. Paano kayo makikipagsabayan sa kanila?

Then you realized, why should you complain on something na hindi naman actually sa iyo. Your money isn’t yours actually, it’s God’s blessing unto you. And even though youI’ve experienced difficulties in your life, nakakasurvive ka. See,you’re still alive and kicking! Why worry on the future na hindi mo naman alam what install for you, wherein fact you have the present to deal with and enjoy.

Malapit na birthday ko. As a gift to myself, I sign up sa world vision to sponsor one child. 600monthly ang babayaran mo to sponsor one child. May regular salary naman akong dumarating. Paano na mga payables mo, you probably ask? Tapos dagdag pa ito sa expenses. Hhmnn….I am positive with our status. 600? Sacrifice one night gimmick dibah. Ordinaryo lang ako, just a girl standing in front of a man, waiting for him to love her…hahahaha. I want to help people, kung kaya ko naman ibigay ang kaunting tulong, why not diba. Of all the things and activities I do in my life, meeting and dealing with different faces, and extending your hand for a help ang pinaka gusto ko. It bring joy and peace in my heart.

I am so happy and so excited with my “little sister".

Wednesday, March 4, 2009

radyo

Kumakain ng potato chips
Katas ng ponkan ay sinisipsip
Sabay kinig sa kantang pag-ibig
Na sa radyo’y pinatutugtog ang himig
hawak sa kaliwang kama’y aklat
Sulat ni Paulo coehlo’y binubuklat
Habang kanang kama’y nagsusulat
Sa antic na journal na sa mesa’y naghihintay
Yan ang buhay ko kagabi
Dahil sira ang connection sa bahay
Kaya sa opisina mega gamit ng internet
Na dati’y hindi pinapansin

*******************************************************

G: “may nararamdaman kaba sa akin?
J: “wala”
g: “when people say No, they actually mean yes?” do you agree?”
J: why would they say no, when they mean yes. It just makes things complicated

I wish I didn’t have to control myself. They said the universe will conspire to make your dreams happened. Basta maniniwala ka. Kaya ba hindi nagyari, because I myself block the direction of the wind? I myself fought my heart?

Wheeewwww..epekto yan ng love songs na naririning ko mula pa ng pag-upo ko dito. At walang kinalaman sa huling post ko.

Saturday, February 28, 2009

big bang boom

Nahihirapan akong magi sip ng title eh, kaya yan na lang. ewan ko ba, bakit sa title pa ako nahihirapan mag-isip, siguro hindi na kaya ng isip ko na isipin pa yun.

I can’t believe
I can’t imagine
All I can see
Makes no sense at all

I want to shout
I want to scream
As far as I can
As far as it goes

How could I share?
If no one will listen
To this endless misery
Of my ache life

Do I have to approach?
Before you notice
How could you be so insensitive?
To others feeling

Do i have to whisper
Before you hear
My thoughts and pain
Hiding within myself

I am lost in the dark
Abandoned by the crowd
No one to turn to
For I am all alone

Tuesday, February 24, 2009

he's just not that into you

Madami ang cast. Apat na babae, apat na lalaki. Mapapa hayyyyyyy at ohhhh my gossssh! At he’s so sweet ka naman. Light and A feel good movie. Since madami ang cast, umikot ang istorya sa kanila kaya ang exposure nila ay very limited.

Pinakita kung paano makipag converse ang lalaki sa girl and how love happen in an unexpected time. Hindi ito maipipilit at hindi rin pwedeng madaliin
Walang rules pagdating sa love pero may mga clues, and this would be of assistance para sa course of action mo.

Pero sa totoo lang, Malabo pa rin kahit ang mga clues. OO, tumatawag ka. Nag-uusap tayo. Lumalabas tayo. Nag chachat tayo. Pero pagkatapos ano? Hindi ako naniniwala sa MU. Yung tinatawag nilang May Unawaan, kasi assuming ka lang dun eh, kasi sa MU- May Umaasa,at may Malabong Usapan (not to mention may Malaswang Ugnayan)

Have you watch ung movie na Serendipity? Siguro if you really meant for each other, the universe will conspire to make it happen, para magkita kayo and fall in love.

Eto lang masasabi ko (kahit marami na akong nasabi): Be yourself. No pretentions. The guy/girl would accept and love you for who you are. And he will make a way kung gusto ka nyang makita or makausap. Wish ko lang,1-2 yrs ago ko napanood ang movie na ito so I would have known kung ano ang ginawa ko,…..sana, now everything is what if…

I haven’t found my prince charming and I don’t know how close I am in finding him. For now, ako muna si Gigi just like in the movie, who was very hopeful, confident and positive about having a relationship. And who tries to understand the signs and clues circling around

Or ako muna si Anna (played by scarlett johansson)– single, flirt, hot and sexy!!!! hahahahaha

Monday, February 23, 2009

colorless

Jez, are you pregnant?
Ahhhhh? Whhhaatttt?
What made you say that? I asked.
Naman! Nagulat tlga ako dun ng bongang bonga. Buntis daw ako?? Eh, member kaya ako ng single blessedness (dba, mareng jen)
Ang putla mo kasi, she answered.
Omg! really I am? Oo…

Kanina umaga, paggising ko ako ay muntik ng mabuwal. Ako ma’y nagulat.
Umupo ako at sinariwa ang nakaraang pinaggagawa ko sa buhay.
At aking napagtanto…..

Una. May lagnat ako noong nakaraan lingo. Ganunpaman, pumapasok ako sa opisina. Naisip ko kasi, lalo lang akong magkakasakit sa kakaupo at kakahiga sa bahay (alam ko, matigas ulo ko..ukie)

Pangalawa. Wala akong exercise. Dahil ako nga ay may sakit, hindi muna ako pumunta sa gym (tsk, lugi na naman ako)

Pangatlo. Ang dami kong binayaran na expenses. Na stress at na drain na savings ko, kaya mega super tipid muna ako. aaaahhhhhhh (ayy hindi pala, ayaw kong sinasabi na wala akong pera, or drain ako, baka kasi magkatoto eh)

Pang-apat: dahil sa puyat. Ka-adik nga naman kasi ang mundo dito. Pero maaga akong natulog kagabi ah, (12:30mn)

Pang-lima: Kahapon,dahil may okasyon sa bahay (unang berthday ni pamangkin) at nagging busy ako, mantakin mo bang nakalimutan kong kumain ng breakfast, lunch, merienda. At 10:00 ng gabi ng ako’y kumain ng dinner…hayyyyzzzzzz

Tapos, kaninang umaga, medyo nagkaroon ako ng error sa addition at subtraction ng mga numero. Medyo lang naman, kaso para sa boss ko malaki yun sympre....hehehe. kaya ayun, what do you expect, edi pinagalitan ako. Ang sabi “I don’t want this to happen again” ooohhhh noooo.

Kaya siguro lalo akong namutla….

Friday, February 20, 2009

special agent


Hayyyyyyyyyy napakahirap maging babae.
Tulad ngayon, wala na kaming kasambahay sa bahay at bilang nag-iisang babae sa aming pamilya obligado akong kumilos. Maghugas ng plato, Punas dito, walis dito. Yan ang aking ginagawa bago umalis at pagdating ng bahay…okei okei, wala ng punas…at konting walis lang…hehhehe. buti na lang marunong magluto si daddy at si kapatid.

Kanina dala-dala kong bumaba ang mga maduduming damit ko, nilagay sa mesa at sabay sabi “daddy, paki daan naman sa laundry shop” wahahahah…tinawag ko pa syang daddy inutusan din pala…hehehe

Naisip ko tuloy, If I were a boy, ano kaya ang mga bagay-bagay na gagawin ko….

Hhhmmmmmmnn….mag-eenrol ako sa PMA bilang cadete. Hinid ako maggagraduate na top honor, oks lang. Perp kabilang ako sa ititrain nila bilang special agent dahil sa taglay kong husay . tapos kukunin ako ng gobyerno sympre, padadala sa iba’t ibang bansa upang lalong ihensayo. Ng malaman ng America at british govt ang kahusayan ko pag-aagawan nila ako. Ahihihiii…ang gulo ng utak ko ah!toink! Bakit napunta ako dun!

At kahit mahirap maging babae, ayaw ko pa rin maging lalaki noh!!!!!!

oks lang na maging special agent ako sa aming bahay, no problem. ill do it with love...ahihihiihi...pero kung may gagawa nun para sa akin, hhmmm why not.

Wednesday, February 18, 2009

tag tarag tag

dahil usong-uso ang tag (ewan kung may koneksyon yun dahil buwan ng mga puso), eto at may narecib akong 50 random things i ilyk mula kay mareng azel. wahahahahaah...50 things. susss! kaya ko ba itechi. hehehehe...see, lets see....i love!

(1)dancing(2)combat!(3)taebo(4)muay thai(5)fish ball(6)squid ball(7)dragon ball z(8)sashimi(9)sushi(10)tempura(11)pasta!!(12)green mango(13)pati na rin hinog na manga (14)burong kapampangan(15)adobong kapampangan(16)dog(17)taho(18)numbers (19)television(20)cakes-conti's & estrells(21)pastries(22)pizza(23)water(24)longggg conversation (25)milk(26)peanut butter(27)cooking(28)kulay azul(29)berde(30)puti(31)yakult(32)tv series na 24(33)playing with kids(34)christmas(35)holy week(36)duhat(37)kaimito(38)bibingka(39)magsulat (40)maglakad (41)transformer movie(42)reading(43)paper(44)pen(45)singing(46)(47)peanuts(48)mag-shopping(49)travel(50)pinas!


whheeeewwwwww!
gravacious tlga itetchi. nagutom tuloy ako! kasi naman puro ata pagkain ang binaggit ko...ahihihihii. at dahil nahirapan ako, gaganti ako sympre. bro,
ice , kaw naman...enjoy!

Monday, February 16, 2009

the end of start

bakit the end of start ang title? ay ewan! wala akong maisip. ay hindi pala, may naisip ako at un ang naisip ko. (ano daw?) o sya, share ko lang....

a start need to finish
a beginnig has it end

happiness would never happy
if there's no loneliness
how can you enjoy
if there's no fear

a day isn't always fun
excitement, joy, and fear ride
for today there is tomorrow
as loneliness and happiness fuse together

everyone needs to be love
to love meant to hurt
for to be with your special someone
conflict and problems are your strongest enemy

sometimes something happen
in a time were we unexpected
we may not really want it
but it's a life to live

Friday, February 13, 2009

My Shopaholic Confession

Hi! My name is Jez and im a shopaholic!

I have forgotten so many things in my life, yet I can vividly remember the moment I was fascinated with shopping. Mom and Dad were scheduled for an interview at the us embassy. Since I got my paycheck, I told Mom that we will buy clothes for her to wear during interview. And there we were surrounded by shorts, skirts, pants, blouses, ties, tank tops, belts, sandals, bags, pants. That time, I felt I was Alicia Silverstone (of the movie clueless) having a huge closest. And for the first time, I also daydream of winning the “shop till you drop” promo of any credit card company so I could have countless of clothes, bags, shoes and accessories in my closet. Thinking of this put smile in my face. In a little while, mom had picked a skirt, blouse, and sandals and when she all wore them she is shining, indeed. Mom coached me in my outfit. She let me know if I fit or not the clothes I wear until I was acquainted with my own manner and style.

When we went to hongkong, I convinced myself not to spend a penny for shopping. I was only carrying one travel bag when we left the Philippines, but on our way back home I am bringing already two travel bag. The extra bag I bought in HK was full of shirts, blouses, pants, caps, belts, bags and accessories!

I admit, I have an inclination of being an impulsive buyer. I’ve bought blouses that I’ve wore once or twice only. One pant I even bought that I never wear.
It is still there in my closest, hanging and untouched with its price tag. I bought it two years ago!!!


That story goes the same with my books. I have lots of books I never read.
I have bags I seldom use. I have also one that I have never used.
I have sandals I only wore once.


I had no idea what pushed me to buy; I don’t exactly why; I guess it’s the strong feeling of connection and add-on to my life. “Yes, I know my limitations and my capacity. I am in control of myself and of my credit card.” I always tell that to myself, always! But who am I deceiving?? ? I am weak.

Just last January, I decided to stop for awhile so I cut my credit card into pieces. I paid all the remaining balances and called the customer hotline to cut their service. I was so happy when I received my billing statement with zero amounts due.


But since I earned points, I told the customer service agent to convert it into a gift certificate of store specialist. Talking about being tired, huh!








Catch “confession of a shopaholic “ in cinemas on February 18, 2009.







isang hamon

ngayon ang huling araw ng aking kasambahay. isang taon at isang buwan ko rin syang nakasama. naging magaan ang pakikitungo ko sa buhay ng dahil sa kanya. ang busy-busy(h)an kong buhay ay naging maluwag. nabigyan ko ng panahon ang aking trabaho sa opisina, ang aking sarili, ang aking mga kaibigan at ang aking pamilya.
umaalis ako at dumarating ng bahay na kampanteng may pagkain sa mesa, nalabhan ang aking mga damit, malinis ang aking kwarto at higit sa lahat may nag-aalaga sa aking mahal na aso.

ngayon sya'y lilisan na, nag-iisip na akong stratehiya kung paano pagkakasyahin ang oras sa mga gawain. nagtatrabaho ako mula lunes hanggang sabado, umaga hanggang hapon. pagka-gabi pumupunta ko sa gym, minsan gabi kung makipagkita ang aking mga kaibigan sa kadahilanang pare-parehas na may trabaho. tuwing linggo kailangan kong umuwi ng probinsya upang makipaglaro sa aking kaisa-isang pamangkin at upang gampanan ang obligasyon ko sa aking ka-organisasyon.

Napakahirap pa namang maglinis, magluto, maglaba, mamlantsa at mag-alaga ng aso…kung dati nakaya kong lahat iyon ng wala akong kasambahay, siguro naman magagawa ko ulit yun.

Hayyyy buhhhaayyyy…affected kasi ng krisis eh, kaya kailangang magbawas ng gastos. Huh!

Monday, February 2, 2009

it doesn't matter

there is a place in sagada they call "echo valley". if you shout any word, it would resonate unto you. and there i repeated shouting words and names when i was there years ago.

this past few days the phrase "it doesn't matter" keeps on echoing in my mind.

we're friends. it doesn't matter.
you look good. it doesn't matter.
you walk so sexy. it doesn't matter.
we talk. it doesn't matter.
we chat. it doesn't matter.
we dine. it doesn't matter.
i dream of you. it doesn't matter.

yes it doesn't. no matter i turn the world upside down, no matter i say what if....i should have done this and that.....if only.....all this thoughts in my mind, everything doesn't matter anymore.

i am aware of course, believe me i am. that night we parted ways i felt light and happy. i wish you all the best, im sure you know that. people may not understand our friendship, but it doesn't matter because we know in our hearts that we truly care for each other. and we are friends that all that matters to me.

Tuesday, January 27, 2009

the yes man

im not a Jim Carrey fan. In fact i dont like him. He acts too OA. i saw the billboard of his latest movie THE YES MAN yesterday, and i don't have a plan to watch it. I never thought ill meet my friend, and the first movie he utter is lets watch THE YES MAN. alright, fine then. he's treating me, he's paying the bill so i just said, alright, lets watch it.

As expected, Jim Carrey it was as it should be.
Though in fairness, he is good. He can make you (and me)laugh.
and it wasn't all fun and laughter. the movie moves your interpretation of life. yes is the new no. is it? we cannot say yes to everything. of course not. who the hell would say yes when asked "can you give me your millions of savings?". hhmmnnn,,,on the other hand, that would do good to me.hehehehe

i learned and realized alot this day. not all came from that movie though.
do you have a friend, who is very positive. whose mind you love listening? i do and he is my therapist. hahahhaha.

Thursday, January 22, 2009

lesson 101

"If you live your life properly, your dreams will come to you"

talk to me

"talk to me"
that caught my eye as we travel the nlex back home to metro city.
this past few days i've been thinking alot...yeah alot. about what? well, my carreer, my visions, my missions, my goals, my life, my interest, my parents, my brothers, my earnings, my expenses, my savings...
i've told mom that growing up means great responsibilities. honestly, it scares me!
if only i feed my own stomach, travel with my own feet, sleep in my own bed then i can manage on my own. but i couldn't and will never leave the shadow of my family.
it's good thing i worry about my future. it only means that i will work my butt out but then again why i worry too much!?! barack obama already swore as president of the united states, and he brings changes and hope to all americans. but then again, im not american?!


Life is not all that bad, my friend, hmmm
If you believe in yourself
If you believe there's Someone
Who walks through life without you
You'll never be alone
Just learn to reach out,
And open your heart
Lift up hands to God,
And He'll show you the way.

And He said, "Cast your burdens upon Me
Those who are heavily laden,
Come to Me, all of you who are tired
Of carrying heavy loads,
For the yoke I will give you is easy
And My burden is light,
Come to Me and I will give you rest."

When you feel the world
Is tumblin' down on you,
And you have no one
That you can hold on to,
Just face the rising sun
And you'll see hope,
And there's no need to run
Lift up your hands to God,
And He'll make you feel all right.

And He said, "Cast your burdens upon Me
Those who are heavily laden,
Come to Me, all of you who are tired
Of carrying heavy loads,
For the yoke I will give you is easy
And My burden is light,
Come to Me and I will give you rest."

Friday, January 16, 2009

so much so that today

rush hour. deadline is getting closer. pressure ito! duh!
i am a workaholic, i think (?). when i work, i work. inspite of that, girl, i still have time to enjoy what life has to offer.

kanina sa gym, last day ni instructor B. full packed ang studio. ang lakas ng haha...huhuhu (bigkasin sa matigas at malakas na tono..haha,,huhu). Dahil last combat, sympre gustong masaksihan (kabilang na ako sympre) ang huling El Bimbo ni titser. Nag overtime nga kami eh. Buti na lang ginawa ko ang assignment na inatang ni Tita A. dahil doon may hawak hawak na banner (karatula) upang iparamdam kay titser na mamimiss sya. Im sure they’ll agree with me na isa sya sa magaling na titser sa combat. At pagkatapos na aming pagsusuntok, pagsisipa, pag tatalon…kumuha kami ng souvenier. Photo here, photo there, photo everywhere.

And after work out, what comes next? You guess it right, kainan! Ano pa nga ba. We headed to teriyaki boy (on which I’ve been telling my mate to dine there) kaso too bad it was already closed. So instead we went back upstairs and eat at Napoli. We ordered platter, pesto and pizza (this time walang any kind of salad na inorder..hhhehehe

Kath , gave us a pahabol na xmas gift. I received a black beaded accessory. Nice, like it. Thanks kath. And his bf joined us. Tuloy nabuking an gaming pagiging madaldal at machismis,,,,weheheh

Pagdating sa bahay, nakita ko ang plastic na sa aking tingin ay sa wakas dumating na ang aking mga inorder na libro. I confirmed the order last Friday but my books arrived Thursday. Isn’t that too long for an online order considering Im in metro city. Huh! Dumating na rin ang pinahiram sa aking twilight book kaya unahin ko munang basahin ang istorya ni Edward at bella bago ang mga bagong dating kong books.Bakit hiram? Kasi nagkaubusan na ng libro, bookstore do not accept reservation /pre –order books for twilight. So guess what I did? Aside from barrowing it to my boss, I ordered sa usa. Huh!

Dumating na rin ang shirt na inorder ko for my brother. He likes it. And it fits him. Hehe.

and this morning, my sss id finally arrived! yahoo! i'm now a legal alien in this country i love so much. biruin mo 6yrs na ako sa work, last year lang ako kumuha ng id. duh! i hate long lines, i hate crowded area kaya.....

So, that’s for today folks. i'm looking forward for the weekends. nahhh, ill just stay home to sleep and watch dvd..heheheh

Friday, January 9, 2009

holiday announcement! (ang aga naman!)

the malacanang already announced the working and non working holidays for the year 2009 as early as today. ain't we just came from a 12 days vacation last december. oh well, sabagay, that was last year and year 2009 holidays is something to look forward to! i'm sure. we need a break to recharge our energy afterall. so, here are the list of our holidays! we can now schedule our trip!

Maundy Thursday (April 9)

Good Friday (April 10)

Araw ng Kagitingan (April 6)

Labor Day (May 1) - friday - meaning long weekend

Independence Day (June 12) - friday- long weekend again!

National Heroes Day (August 31) - monday- long weekend na naman!

Bonifacio Day (November 30)- monday- need to say more?

Rizal Day (December 30) - monday!

Special working holidays include: Ninoy Aquino Day (August 21), All Saints Day (November 1) and New Year’s Eve (December 31). November 2 and December 24 were also added as special non-working days.

As for the celebration of Eid’l Fitr (end of Ramadan), President Arroyo said the holiday will be based from the Islamic calendar or the lunar calendar.

hhmmn....medyo umiksi ang vacation for the december. last year we had a straight 12 days (for others 13 pa nga).
and how come the usual edsa celebration for the month of February was not declared?

Wednesday, January 7, 2009

prince


this is prince, my one and only nephew!
he is so cute, so adorable especially when he laugh and responds to my paglalabing.
this morning i received a text message from my brother that he was rushed to the hospital. dami daw sinuka at namumutla. his ihi and tae was tested and results showed atin yang nana takla. uminom na sya ng gamot, his mother said he has recovered at nakikipaglaro na daw. still, am worried.

huh! nothing to worry, i know. God will protect him.

Sunday, January 4, 2009

link to dela paz case story

when i watched it on television, i cant help myself na mapamura kahit ang wish ko is to be a good girl na. who wouldnt be!!!!?? a politician beating an old guy who just enjoying the christmas day with his family. worst in the eye of a 14yr old son and daughter.
i love my dad too. thats why napaiyak din ako when i watched the news. napaka minor ng mga bata para masaksihan nila ang pangyayari.

anyway here's the link sa full story blog mismo ng daughter. the world has gone crazy


the family needs our prayers.

pahabol; to all mayors, congressman, senators and all politicians: please do remember that you are in your position to serve people not to be served. be a verry good exmple in following the rules and regulations. minsan lang tayong mabuhay sa mundo, ayusin nyo mga buhay nyo! kepa at tinawag kyong leaders? alam nyo naman ba ang ibig sabihin ng lEADERS?? naman! cge nga, ano oh?

Thursday, January 1, 2009

things to do before i turn 30!

when new year comes, that's another 1 year add to my (and your) age. No, no no...im not turning 30 yet (omg!). i wont tell you my age either. hehehe

willy revillame just show off his houses and cars featured in yes magazine in his tv program. gravacious! ang lalaki at ang gaganda. so

i have here listed things to do before i turn 30:

1. have a car (i pay on my own.....oh yeah, of course on my own. nobody would help me pay the amortization, not my dad, not my brother, not my mom...but only me.
2. visit europe or america!!!!!!
3. earn my first million! (if only i didnt lend any to anyone i would have probably earn my first million.....hahahahahhaha)
4. donate blood to red cross
5. pay the downpayment in a condo!
6. lose 20lbs! (that's my target this year!)
7. establish a new business venture
8. do bungee jumping

 
Template by Exotic Mommie